Advertisers
PANSAMANTALANG isinara ang lahat ng tourist attractions sa Gapan, Nueva Ecija simula nitong Lunes, December 14.
Ayon kay Gapan Mayor Emeng Pascual, kabilang sa sarado ang plaza, night market at ang Lumang Gapan.
Ayon sa alkalde, sa kabila kasi ng bawal parin na lumabas ang mga bata ay isinasama parin sila ng mga magulang sa pamamasyal.
Nawawala aniya ang social distancing at nagkakaroon na ng mass gathering.
May mga pagkakataon pa, ayon kay Pascual, na ang mga magulang ay nakikipagtalo sa mga miyembro ng IATF at mga pulis.
Sinabi ni Pascual na mabuti sanang makitang masigla at masaya ang lungsod lalo na at papalapit ang kapaskuhan.Pero dahil nananatili pa ang banta ng COVID-19, napagkasunduan ng IATF na pangsamantalang isarado ang mga pasyalan sa Lungsod hangga’t hindi nakakahanap ng solusyon sa problema.