Advertisers

Advertisers

Makabog kaya ang movie kay Kathryn? Alden susubukan ang lakas sa takilya sa tambalan kay Bea sa 2021

0 230

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA Enero 2021, posible na masimulan na ang movie nina Alden Richards at Bea Alonzo.

Ito ang unang pelikulang gagawin ni Bea sa labas ng Star Cinema matapos na kumalas ito sa Star Magic.



Natuwa naman si Alden sa balitang pumayag na si Bea na makasama ang Kapuso actor sa isang project.

A Moment To Remember ang titulo ng pelikula na pagsasamahan nina Alden at Bea kung walang pagbabagong magaganap.

Excited na si Alden na makasama ang mahusay na aktres na mga blockbuster ang mga nagawang films.

Kaya hindi maialis na ikumpara ang hit busters na movie nina Alden at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye na tumabo sa takilya na umabot na sa bilyon ang kita.

Maraming netizens ang nagsasabi na sa panahon ngayon eh malampasan daw kaya ng Alden-Bea movie ang Alden-Kathryn movie?



Pero positibo ang mga follower ni Alden na mapapantayan ng A Moment To Remember nila ni Bea, ang Hello, Love, Goodbye nila ni Kathryn.

Puwede naman dahil proven na may mga blockbuster movie na sina Alden at Bea na nagawa.

Napa-goodluck na lang ang isa pang netizen at may isa pang umepal na asa pa raw ngayon na may pandemic.