Advertisers
NAKATAKDA nang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American pedophile na wanted sa kanilang bansa ng sex crime.
Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Donald Robert Tyler, 57, na naaresto sa Barangay San Roque, Ginatilan, Cebu ng fugitive search unit (FSU) at National Bureau of Investigation (NBI).
Sinabi naman ni BI FSU Chief, Bobby Raquepo, na subject si Tyler ng arrest warrant na inisyu sa Josephine Country, Oregon noong Nobyembre 2, 2019.
Humaharap daw ito sa kaso dahil sa first degree sodomy.
Itinuturing na illegal alien si Tyler dahil kinansela na ng State Department ang kanyang pasaporte.
Pansamantala itong nakadetine sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang kanyang deportation.
Ilalagay na siya sa blacklist ng BI at pagbabawalan nang muling pumasok sa bansa dahil sa pagiging undesirable alien. (James de Jesus)