Advertisers

Advertisers

‘WHEN IT RAIN, IT POURS’ – ISKO

0 482

Advertisers

WHEN it rains, it pours.

Ganito inilarawan ni Manila Mayor Isko Moreno ang buhos ng karangalang nataggap ng lungsod makaraang maiuwi ang second place sa ‘Best in Customer Empowerment G2C’ at ‘Occupational Permits and Health Certificate Integration System’ categories sa Digital Governance Awards 2020, ito ay bukod pa sa Seal of Good Financial Housekeeping na iginawad sa kabisera ng bansa noong isang buwan.

Inanunsyo ni Moreno na ang city-run Sta. Ana Hospital na pinamumunuan ni director Dr. Grace Padilla na nasa sixth district ng Maynila ay kinilala bilang top awardees ng “Gawad Bayaning Kalusugan” kaugnay na rin ng walang patid at episyenteng serbisyo medikal ng mga opisyal, doktor at mga frontlining staff sa gitna ng pandemya.



Labis na nagpasalamat si Moreno kay Padilla at sa lahat ng medical frontliners dahil sa natanggap na karangalan, pinasalamatan din nito ang award-giving body na binubuo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), kasama ang Association of Allied Health Organizations of the Nation (AAHON) at ang Health Educationalist, Advocates and Leaders Philippines (HEAL Phils).

Bukod sa napabilang sa ‘top ten’ awardees, ang “Manila COVID Warriors” team ng Sta. Ana Hospital ay kinilala din ang ospital at pinagkalooban ng P50,000 cash prize.

Binigyang papuri ni Moreno si Padilla at ang lahat ng may kinalaman sa operasyon ng Sta. Ana Hospital dahil sa kanilang dedikasyon at tiniyak nito na ang pamahalaang lungsod, siya at si Vice Mayor Honey Lacuna, ay patuloy na magbibigay ng buong suporta sa lahat ng anim na ospital na pinatatakbo ng lungsod. Ang lahat ng city hospitals ay nasa ilalim ng superbisyon ni Lacuna, na isa ring doktor.

Ito, ayon sa alkalde ay magagawa sa tuloy-tuloy na upgrade patungo sa modern at high quality medical equipment, facilities at mga gamot habang ang kalusugan, kaligtasan ng mga pasyente at
medical workers ang nanatiling primary concern.

Ang Sta. Ana Hospital ang lugar kung saan naroon ang Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) na binuksan ni Moreno at Lacuna noong isang taon bago pa pumutok ang pandemya. Dahil dito, ang MIDCC ay nagsilbi bilang pangunahing COVID-19 center ng lungsod at mayroon ding sariling COVID test laboratories, bukod pa sa patuloy na pagbibigay ng libreng RT-PCR o swab tests.



Ang ‘Gawad Bayaning Kalusugan’ ay kumikilala at nagtatanghal sa mga frontliners sa health care and case management ng pasyente na may COVID-19 sa lahat ng ospital sa bansa. Ipinagdiriwang nito ang mga kwento ng mga indibidwal at grupo sa kanilang ipinamalas na kabayanihan, gayundin ang hindi mapapantayang serbisyo ng mga individual frontliners sa gitna ng pandemya.

Mayroong dalawang kategorya ang masabing karangalan na kinabibilangan ng individual awards at team awards kung saan ang mga nominado ay mula sa buong bansa at nanggaling sa Luzon, Visayas, Mindanao at National Capital Region, at sa lahat ng COVID-19 admitting levels 1, 2 and 3 hospital categories. (ANDI GARCIA)