Advertisers
NAGPAKITANG gilas ang bagong players ng Houston Rockets na sina John Wall at DeMarcus Cousins nang ilampaso ang Chicago Bulls, 125-104 sa unang preseason games.
Kung maalala si Wall ay kinuha ng Rockets sa Wizards kapalit ng dating MVP na si Russell Westbrook.
Si Cousins naman ay nanggaling sa Lakers.
Hindi naman nakalaro si James Harden dahil naka-quarantine pa rin.
Umiskor si Wall ng 13 points, 9 assists at 5 rebounds sa kanyang all-around game.
Si Cousins naman ay nagtapos sa 14 points sa loob lamang ng 15 minutes.
Kaugnay nito, tuwang-tuwa naman si Rockets coach Stephen Silas sa kanyang nakita, pero maaga pa umano para maglabas ng assessment sa kanilang tiyansa sa buong season.