Advertisers

Advertisers

Pagbabago

0 452

Advertisers

HAYAAN na pansamantala na iwaksi namin ang talakayan sa malalaking usaping pulitikal ng bansa. Hayaan ninyong talakayin namin ang himagsikan sa pulitika sa barangay. Hindi ito masyadong napapansin, maraming nangyayari sa ibaba. Hayaan ninyong talakayin ko ang karanasan ng isang baguhan na kagawad ng Sangguniang Barangay at ibahagi ang mga pagbabago sa larangan ng pamamahala sa barangay..

Walang balak si Ana Carolina Lee-Benitez na pumalaot sa pulitika ng kanilang barangay sa distrito ng Malate sa Maynila. Hindi siya kilala sa kanilang lugar. Mas popular ang kanyang namayapang ama dahil marami itong natulungan na kabarangay.

Nang idaos ang halalang pambarangay ng 2018, pinakahuli si Ana sa mga nagsumite ng certficate of candidacy. Itinutulak ng kanilang kalugar ang kanyang ama na si Gaius Ray Lee na tumakbo, ngunit bilang pagbibigay sa kahilingan, itinuro niya si Ana bilang kahalili. Namatay ang kanyang ama ngayong taon.



Bagaman baguhan at halos hindi kilala sa kanilang lugar, nanguna si Ana sa mga tumakbo para Kagawad ng Sangguniang Barangay ng 694, Zone 5 sa Malate. Ito ang barangay na sumasakop sa mga kalsada ng TaftAvenue, San Marcelino, Agoncillo, Gen. Malvar, Leon Guinto, Pedro Gil, ast Julio Nakpil. May mga pamilya ng kilalang Ilustrado ang natira sa barangay sa panahon ng pananakop ng mga kolonyalistang Kastila at Amerikano. Mayroon 10,000 pamilya, o populasyon na maaaring lumampas sa 50,0000 sa Barangay 694.

May kalakihan ang Barangay 694 kung ihahambing sa ibang barangay sa Maynila. Magkahalong residential at commercial ang katangian. May naiibang katangian ang barangay ni Ana sapagkat ito ang kumakanlong sa dalawang natatanging pamantasan at dalubhasaan sa bansa: Philippine Christian University (PCU) at Philippine Women’s University (PWU). Isang pamantasan ng mga Protestante ang PCU, samantalang kilala ang PWU bilang pinakaunang unibersidad na para sa mga kababaihan.

Kahalo ng dalawang pamantasan ang ilang commercial estabishment – restaurant, pension house, dormitoryo, tindahan, at iba pa. Maraming residente ang barangay bagaman magkahalo ang maituturing na nabibilang sa panggitnang uri at ang mga nasa laylayan ng lipunan. Masigla ang Barangay 694. Aktibo ang mga tao at maging ang mga opisyales nito.

Nang mahalal si Ana noong 2018, kagyat siyang sumailalim sa mabilisang training sa barangay governance. Kailangang matutuhan niya ang budgeting process, healthcare programming, at magng dispute resolution sapagkat bahagi ng kanilang tungkulin ang resolbahin ang mga alitat at hidi pagkakaunawaan sa kanila barangay. Hindi madali para sa isang baguhan ang mga ganitong tungkulin. Ngunit tanggap ito ni Ana sapagkat nakikita niya na diretsong nakikinabang ang kanyang mga kabarangay sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Noong 2018 at 2019, inilunsad ni Ana ang apat na medical mission. Personal na pimunuan ni Ana ang pakikipagtulungan sa Philippine Cancer Society at National Kidney and Transplant Institute (NKTI) para gamutin ang mga maysakit at nangalap ng donasyon sa dugo. Bahagi ito ng programa sa pangangalaga ng kalusugan ng mga residente ng barangay.



Nang ibinagsak ang matinding lockdown na sinasabing isa sa pinakamalupit sa Asya, hindi nag-atubili si Ana na pamunuan ang feeding program para sa mga kabarangay na apektado ang kabuhayan. Umabot sa 300 ang pinakain ni Ana tuwing ikalawang linggo. Basta makatulong kahit paano’y gagawin, aniya.

Ngayon, inihahanda ni Ana ang isang simpleng Christmas Party para sa mga bata sa kanyang barangay. Layunin niya ang mapasaya kahit paano ang mga bata sa kanyang barangay. Kasama sa proyekto ang networking sa mga Filipino sa ibang bansa na gustong makatulong sa mga bata.

Batid ni Ana na may himagsikan sa barangay. Dahil basic political organization ang barangay sa bansa, nakikita niya ang lakas ng impluwensiya at epekto ng barangay sa bawat Filipino. Ramdam ng tao ang bawat serbisyo ng ibinibigay ng barangay. Naisasalin sa mga barangay ang totoong pagnanasang pulitikal para sa p;agbabago.

***

HAYAAN ninyo na ibahagi ko sa inyo ang mga polisiya ng gobyerno galing sa ilang kritiko.

MAJOR POLICIES OF THE GOV’T OF THE MADMAN:

1. The policy to pursue infrastructure projects using borrowed Chinese funds with high interest rates (which hardly come) is called BUILD, BUILD, BUILD.

2. The policy to resort to a spate of extrajudicial killings in the anti-drug war (which is a monumental failure) is called KILL, KILL, KILL.

3. The unwritten policy to grab credit from completed projects so that his government would appear a little palatable to the public is called GRAB, GRAB, GRAB.

4. The unwritten policy to shake down business firms so that it could extort money and favors is called KIKIL, KIKIL, KIKIL.

5. The unwritten policy to give up territories for China’s use and benefit is called GIVE, GIVE, GIVE.

6. The unwritten policy to resort to fake news, deception, and outright falsehood is called LIE, LIE, LIE.

7. The policy for top government officials to earn a windfall from state funds is STEAL, STEAL, STEAL.

8. The unwritten policy to persecute oppositionists is DIIN, DIIN, DIIN. (from Don Arceo)

9. The unwritten policy to free plunderers and marauders of state funds is called ACQUIT, ACQUIT, ACQUIT (from Julio Macaraeg Domingo)

10. The unwritten policy to berate the potential successor is called TAUNT, TAUNT, TAUNT (from Lyza Tan)

11. The unwritten policy to save his face from embarrassment caused by his careless public statements is called JOKE, JOKE, JOKE. (from Jorom Reantaso Olaguer)

12. The policy to intimidate critics, the clergy, and the Roman Catholic Church is called BULLY, BULLY, BULLY (from Lyza Tan)