Advertisers
ANG taong 2020 ay nagdulot ng maraming hamon at pagsubok sa bansa.
Sa unang linggo pa lamang ng taon, sumabog ang bulkang Taal na lumikha ng ashfalls sa Batangas at mga karatig-lalawigan.
Habang bumabangon palang ang karamihan sa naturang kalamidad, umeksena naman ang corona virus COVID-19 na nagpatigil sa buhay nating mamamayan sa lahat ng antas, nagpaluhod sa ekonomiya at binago ang dating pamumuhay sa bagong normal.
Nagpalala pa sa sitwasyon sa buhay ng Pinoy ang epekto ng mga mapaminsalang bagyong Quinta, Rolly, Siony at Ulysses sa huling bahagi ng taon.
Si G. Feliciano Punzalan at kaniyang kabiyak na si Adora ay nawalan ng bahay na kanilang naging tahanan sa higit 30 taon dahil sa Taal eruption. “Kung kami ay magba-bakwet wala kaming pupuntahan at wala ring tatanggap sa amin lalo pa’t nagkaroon ng pandemic,” sambit ni Punzalan.
Si Maria Teresita Ortiz-ine ng limang supling ay isa lang sa maraming tinamaan ng Covid-19 kaya alam niya ang pakiramdam nang pagiging helpless at nag-iisa dahil di siya makapiling ng mga bata habang nananatili sa confinement. “Napakahirap ng panahong iyon na di man lang makita ang mga anak ko,” nilay ni Ortiz.
Para naman sa working student at breadwinner na si Jason Rodelas, nakadagdag ang pandemic sa takot nitong makatapos ng pag-aaral habang binubuhay ang pamilya sa panahong ito. “It is very hard for me to juggle work and schooling,” ani Jason.
Ito ay ilan lang sa mga tunay na kuwento kung paano nasubukang panghawakan at lagpasan ang mga magkakaibang hamon sa taong 2020.
Inilunsad kamakailan ng Cocolife ang bagong awiting aalalay sa pagbangon ng bawat Pilipino – “TULOY PA RIN TAYO.”
Hatid dito ng Cocolife ang nakaka-inspire na paalalang ang mga Pilipino ay babangon sa pasakit ng 2020 at susulong ang buhay mula doon.
Bukod sa kuwento ng buhay ng mga Punzalan, Ortiz at Rodelas, ang naturang orihinal na pamaskong awitin ay ipinararamdam ng Cocolife sa simple at buong pusong kaparaanan. Lakip din sa video ang mga relief efforts ng Cocolife Foundation para sa mga biktima ng bagyong Ulysses.
Kalakip din dito kung paano i-motivate ni Cocolife Retail Distribution Chief Senior Vice President Joseph Mark Ronquillo ang kanyang teammates sa kampanya na sila ay tunay na kailangan sa panahon ng pangangailangan.
Higit pa ay ang reflection sa lakas ng paninindigan ng mga Pilipino sa gitna ng ganitong uri ng pagsubok ayon kay Cocolife President & CEO Jose Martin Loon at Cocolife Brand Ambassador Kiefer Ravena, PBA superstar.
“This year, we have seen the endurance of the Filipinos, that we can bear whatever life may bring,” mensahe ni Pres. Loon.
“When planning for your future, have someone who beleives in your dreams Explore Cocolife’s insurance and investment plans by visiting our website www.cocolife.com.”