Advertisers

Advertisers

20 bisita sa binyag sa sementeryo, arestado!

0 246

Advertisers

INARESTO ng Manila Police District Station 3 ang 20 katao na dumalo sa isang reception ng binyag sa loob ng Manila North Cemetery, Sabado ng gabi.
Ayon sa ulat, inaresto ang mga bisita dahil sa paglabag sa health protocols laban sa COVID-19.
Nagulat ang mga bisita nang biglang dumating ang mga pulis sa reception na ginanap sa tabi ng mga nitso sa loob ng sementeryo.
May tent na inilagay para sa nasabing reception.
Nahuli ang mga bisita na nagvi-videoke habang nag-iinuman.
Hindi rin naka-face mask at face shield ang marami sa mga bisita.
Dinala na ang mgahinuli sa isang covered court malapit sa Station 3 ng MPD sa Sta. Cruz, Maynila.
Nagbabala noon ang Department of Health laban sa pagvi-videoke dahil mataas ang tsansang makapag-transmit ng virus habang kumakanta.(Jocelyn Domenden)