Advertisers
Lumilinaw na ang isyu kung tatakbo ba sa mas mataas na puwesto si Sen Manny Pacquiao sa Mayo 2022.
Mula sa mariing pagtanggi sa inihayag ni Coach Freddie Roach na kakandidato siya sa pagkapangulo hanggang sa sinambit mismo ng pambansang kamao na ipagdarasal niya ang desisyon.
Isang senyales na malaki ang posibilidad ay ang pagkakatalaga sa kanya bilang presidente ng partidong Partido Demokratiko ng Pilipinas-Lakas ng Bayan na tinatag ng mga Pimentel. Humalili siya kay Sen Aquilino Pimentel III.
Kaso nagtatanong si Ka Berong kung naiintindihan ba ng boksingerong pulitiko ang ibig sabihin ng palipat-lipat ng lapian.
“Nakailang politikal party ba ang asawa ni Jinkee bago siya naupong hepe ng PDP-Laban?”
Ang alam daw ni Kaka ay nag-LP Atienza Wing siya, KAMPI, Nacionalista Party ng mga Villar at ang UNA ng mga Binay dati.
“Aba parang nagpapalit lamang ng boxer shorts ang anak ni Aling Dionesia,” dagdag ni Ka Berong.
Para naman kay Pepeng Kirat ay dapat ipaliwanag ng senador na tubong GenSan ang mensahe niyang dapat labanan ang mga kurap gayong napapaligiran siya ng mga personalidad na kwestyonable ang integridad. ang mga kontrobersyal na mga opisyal na tulad nina Chavit Singson at Lito Atienza,” wika ni Pepe.
Pangalawa ay bakit daw niya inindorso sa halalan ang convicted na si Juan Ponce Enrile at ang dayunyor ng diktador.
“Pangatlo ay madalas niya pang kahalubilo sa mga sosyalan ang mga napatunayan sa korteng nagkasala gaya nina Imelda, Bong Revilla, Joseph at Jinggoy “Una ay matagal niyang personal adviserEstrada, “ dugtong niya.
Tapos daw ay panig pa siya sa kasalukuyang administrasyon na balatkayo lang ang pagsugpo sa mga kurakot.
Kaya lumilitaw na hindi siya mabibilang sa hanay ng mga matitino at mahuhusay. Mangyari mga magnanakaw sa kaban ng bayan ang kanyang pinapakyaw na maging kaalyado.
Payong kababayan, Manny. Magboksing ka na lang! Doon ka lang magaling.
***
Baka raw ikonsidera na ni LeBron James ang load management tulad ng pinapraktis ng ilang kapwa niya mga player ng NBA.
Ilan sa mga ganyan ang gawi lalo’t may iniindang injury ay sina Kawhi Leonard at Paul George ng Clippers.
Sa mga nakaraang taon ay ayaw ni LBJ nang ganyan at pinipilit niya laruin ang lahat ng mga game alang-alang sa mga tagahanga na nagbabayad ng malaking halaga para mapanood sila.
Pero sa a-30 ng buwang ito ay 36 anos na siya at wala naman pang papayagan na mga tao sa mga venue kaya pag-aaralan niyang mabuti. Ito ay upang makapagdribol pa siya sa mataas na antas hanggang sa pagdating sa liga ng kanyang anak na si Bronny o ang makadalawa o tatlo pa siyang singsing.