Advertisers
NADAKIP ng PNP-CIDG ang isang Saudi national na natunton sa Cotabato City.
Sinabi ni Police Maj. Gen. Joel Coronel, director ng CIDG, ang naaresto na si Ael Sulaiman Alsushibani ay facilitator ng Islamic State of Irag and Syria (ISIS) sa Southeast Asia.
Kabilang aniya sa mga close contact ni Alsushibani ay sina Esmael Abdulmalik alyas “Abu Turaife,” ang Eastern Asia sub-leader ng ISIS; at Salahudin Hasan.
Ayon pa kay Coronel, may mga pagtatangka si Alsushibani na magdala pa ng mga Arabo sa Pilipinas at may koneksyon din ito sa Ugur Suleyman Soylemez Orphanage, na sinusuportahan ng IHH Turkey Foundation.
Nakumpiska sa sinasabing terorista ang ilang baril at pampasabog.
Naaresto rin sa operasyon sa Barangay Datu Balabaran si Norhaya Lumanggal.