Advertisers
SUGATAN ang tatlong miyembro ng isang pamilya nang sumabog ang kanilang ginagawang paputok sa loob ng bahay sa Barangay Babag, Lapu-lapu City, Cebu, Huwebes ng gabi.
Sa ulat, nalapnos ang balat ng 13-anyos na anak na nagtamo ng malaking sugat sa ulo at halos nasunog ang buong katawan. Ang 31-anyos na ina at 15-anyos na anak na babae ay nagtamo ng third degree burns sa halos 80 porsyento ng kanilang katawan.
Sa ulat, napag-alamang inaayos nila ang mga rebentador para gawin itong Judas Belt na paputok nang biglang sumabog at nasira ang kanilang bahay.
Ang Barangay Babag ng Lapu-Lapu ang tinaguriang “firecracker capital” ng Central Visayas.