Advertisers
LALONG lalaki ang tsansang maka-gintong medalya ang Pilipinas kapag nadagdagan pa ang magku-qualify na Pinoy best bets para sa Tokyo Olympics na sasambulat sa Hulyo ng susunod na taong 2021.
Sakanyang pampinaleng ulat sa taong 2020 kahapon via zoom, optimistiko si Philippine Sports Commission chairman William Ramirez na isa o dalawang ginto ang posibleng maiuuwi ng pambato nating olympians na tiyak na aabot sa higit 20 kapag pinalad na mag-qualify na nakatakda sa maagang bahagi ng susunod na taon.
“ We are taking it in a positive way ang nangyaring pandemya at na -move ang Tokyo Olympics next year .Nadagdagan ang time ng preparasyon ng ating mga pambatong atleta, And it will be the biggest delegation ever kaya mission possible na tayo sa Olympiad,” wika ni Ramirez.
Nagpapasalamat si Ramirez sa todo suporta ng ating mga Mambabatas na nag-sulong para sa malaking pondong gagamitin ng ating mga Olympic -bound athletes magmula preparasyon, training hanggang aktuwal na kompetisyon.
Partikular din ang todo-gabay ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ang tagumpay ay magiging legasiya ng Duterte administrasyon sa timon ng PSC chairman gayundin sa malasakit ni Senator Bong Go na laging kinukumusta si Ramirez sa lagay ng Pinoy athletes.
“Siyempre nag-prepare rin ang ibang mga bansa sa Olympics kaya dasal at puso ang susi ng ating tagumpay,” ani pa Ramirez.(Danny Simon)