Advertisers

Advertisers

300 pamilyang nasunugan sa Muntinlupa sa kalsada magpa-Pasko

0 236

Advertisers

SA kalsada magpa-Pasko ang nasa 300 pamilya na nawalan ng bahay dahil sa sunog na sumiklab nitong Biyernes ng madaling araw sa Muntinlupa city.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa bandang Ilaya Street sa Barangay Alabang.
Naging hamon naman sa pagresponde ng mga bumbero ang masikip na daan.
Maswerteng walang naiulat na nasawi sa insidente.
Aabot sa P1 milyon ang halaga ng nasirang mga kabahayan.
Alas-3:00 na ng umaga nang ideklara ng Bureau of Fire Protection na fire-out na sa lugar.
Kasalukuyang tumutuloy sa Alabang Elementary School building ang mga nasunugan.
Matatandaang matindi ring napinsala ang syudad ng bagyong Ulysses.(Gaynor Bonilla)