Advertisers
PATAY ang 43-anyos na taxi driver nang barilin ng isang nagbibisikleta habang nakatayo ito sa gilid ng kalsada sa Malabon City, Martes ng hapon.
Kinilala ang biktima na Eduard Nonong ng 51 Kaingin Road, Balintawak, Quezon City.
Ang salarin na nakasuot ng brown t-shirt ay mabilis na tumakas sakay ng bisikleta patungong Del Monte Avenue, Barangay Potrero matapos ang pamamaril.
Sa ulat, 4:00 ng hapon, nakatayo ang biktima sa Banana Road malapit sa Victoria Court sa Brgy. Potrero nang lumapit mula sa likod ang lalaking sakay ng bisikleta at walang sabi-sabing binaril sa ulo si Nonong.
Nag-iimbestiga pa ang pulisya sa krimen.