Advertisers
UMATRAS ang dating world champion na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa kanyang paparating na laban matapos mag-positibo sa COVID-19.
Sa ulat ng Boxing Scene si Donaire, 38, ay inalis na sa kanyang iskedyul sa WBC bantamweight title showdown laban kay Emmanuel Rodriguez dahil nag- positibo sa coronavirus test.
Ang laban ay nakatakda sanang main event sa Showtimes card sa December 19 sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.
Ayon sa Boxing Scene, ang WBC bantamweight title bout ay itutuloy, papalitan ni Filipino Reymart Gaballo si Donaire sa main event.
Ang 24-anyos Gaballo ay may rekord na 23 wins at no loss, may 20 knockouts. Nakatakda siyang harapin si Jose Velasquez ng Chile para sa interim WBA bantamweight belt sa parehong fight card.
Donaire (40-6, 26 KO) ay nakatakdang lumaban sa unang pagkakataon buhat nang mabigo kay Japanese superstar Naoya Inoue sa bantamweight final ng World Boxing Super Series noong November 2019 via unanimous decision.