Advertisers

Advertisers

Marian mahusay sa negosyo, bagong Flora Vida Home inilunsad na

0 237

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

MALIBAN sa pagiging mahusay na actress-TV host, pagdating sa negosyo ay sobrang creative ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

At  dahil isa sa mga deboto ay isinabay ni Marian sa kapistahan ng Immaculate Concepcion ang paglulunsad na mga bagong produkto na mabibili sa kanyang Flora Vida Home and I’ve heard marami na agad orders especially sa classy na chairs at pillows na may tatak Flora Vida lalo’t ang supportive hubby ni Marian na si Dingdong Dantes ang magdi-deliver sa first orders.



May ilan pang items na pwede niyong ma-order sa Flora Vida website. “May mga lamp ako, nursery lights, mga furniture marami,” sabi pa ng magandang aktres sa kanyang virtual presscon na imbitado ang inyong columnist.

Kwento pa ni Yan-Yan (palayaw ng actress-businesswoman),  sa pagta-travel niya noon nakita ang gustung-gusto niyang fabric na nagamit niya sa bagong negosyo. “Ito kasi ‘yung mga panahong nagta-travel ako sa ibang bansa. Doon kasi nakakapag-explore ako. At tumatak sa akin ang mga fabric na ito na linen na rustic-vintage feel na masasabi mo talagang timeless siya.”

Well, ang maganda sa kanyang business ay nakatutulong pa siya sa ganitong pandemya sa ilang workers sa Paete na siyang gumagawa ng ibinebenta niyang furnitures na talaga namang pulido at dekalidad ang gawa.

“Siyempre kahit sino naman ay hindi naging ayos di ba (apektado ang lahat sa pandemic, ibig niyang sabihin). So, sa pagkakataong ito, sabi ko nga, ano eh, hitting two birds with one stone ako. Gustung-gusto ko ‘yung fabric from Europe at the same time, nilikha pa rin ng gawang Pinoy na pinagsama ko siya.

So very happy ako sa kinalabasan dahil may touch of Pinoy pa rin siya at masasabi kong gawang Pinoy pa rin,” pagmamalaki pa ng mommy nina Zia at Sixto. ‘Yung Flora Vida Flower Shop naman ni Marian na kilala sa preserved and dried blooms ay stable na at sobrang dami na ng clients ng actress na patuloy niyong mapapanood sa hino-host na “Tadhana” tuwing Sabado sa GMA7.



***

Marion Aunor Kaiinlaban  Sa Kanyang OPM Classic Covers, Pasok Din Sa 2020 Artist Wrapped Sa Spotify

Deserved ni Marion Aunor anumang achievement ang matanggap sa kanyang singing career.

Yes, maliban sa pretty at may talent hindi lang sa singing kundi sa pagsusulat ng sariling kanta at sa ibang kapwa artist ay maganda ang PR ng dalaga ni Ms. Lala Aunor.

Hindi rin siya trying hard o atat na sumikat agad gaya ng iba na gumagamit pa ng connections sa showbiz. Chill and relax lang ito dahil alam niya na may talent siya ay darating ang time niya to shine sa suporta hindi lang ng kanyang fans kundi ng kanyang mother dear na si Ms. Lala na may mga negosyo.

Si Marion ang recording artist na nakatawid sa dalawang higanteng recording company na Star Music at Viva Records at mabenta ‘yung mga CD Album nito na ilan sa songs niya ay ginamit pang themesong sa mga blockbuster movies ng Viva Films.

Ang galing din ng cover songs ni Marion sa mga OPM Hits noong 70’s at 80’s tulad ng “Pumapatak Ang Ulan” popularized by Apo Hiking Society, “Oh Lumapit Ka,” “Ikaw Pa Rin” at ang millennial song na “Huwag Na Lang Kaya” at “Harana.”

Tiyak na kaiinlaban niyo ang mga Music Videos sa mga awitin niyang ito. Sa 2020 Artist Wrapped ng Spotify ay kabilang din si Marion na ang stream ng mga kanta ay umabot sa 10.1 million na may 2 million listeners sa 90 different countries kabilang na siyempre ang Philippines na maraming fans si Marion.

***

Eat Bulaga Itinanghal Na “BEST NOONTIME SHOW” Sa Platinum Stallion National Media Awards

Mula noon hanggang ngayon ay pinanonood talaga ng maraming dabarkads sa buong Pinas at abroad (via GMA PINOY TV) ang Eat Bulaga at lahat ng segment ng programa since 1979 up to now 2020 tulad ng “Bawal Judgemental,” etc. ay patok at hindi talaga pinagsasawaan.

Tumatak din sa mata ng publiko ang lahat ng ito na nagbigay kasiyahan sa atin. Pagdating naman sa pagtulong sa kapwa ay parating nariyan ang Eat Bulaga kaya tinawag silang noontime variety and public service show na still number one sa Mega Manila Ratings maging sa Kantar.

At lahat ng klase ng awards ay nakamit na ng nasabing longest-running show na recently lang ay itinanghal na “BEST NOONTIME SHOW” ng Platinum Stallion National Media Awards ng Trinity University of Asia.