Advertisers
No man is above the law and no man is below it; nor do we ask any man’s permission when we ask him to obey it. — US President Theodore Roosevelt
PASAKALYE
Nagbabala ang pulisya na yayantukin ang mga lumalabag ng minimum health safety protocol na pinapairal ngayon ng pamahalaan upang labanan ang pagkalat ng Covid-19. Kabilang na rito ang pagsot ng face mask at face shield at gayun din ang pagsunod sa social distancing.
Sa kabila nito ay mayroon pa ring lumalabag at hindi inaalintana ang banta ng sakit kahit pa may mga paglilinaw nang inilahad n gating mga health authority ukol sa mga paraan kung paano kumakalat ang sakit na Covid-19.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) deputy director for operations Lieutenant General CESAR BINAG, na naitalagang pinuno ng coronavirus task force, parami nang parami ang mga lumalabag sa mga quarantine at health safety protocol kaya minabuting magsagawa n g hakbang an gating pulisya para mapasunod ang publiko para na rin sa kaligtasan.
* * *
AGAD namang nagbigay ng reaksyon ang mga humang rights group ukol sa babala ng pulisya na yayantukin ang mga lalabag sa nabanggit na mga health protocol.
Nauunawaan natin ang kanilang agam-agam dahil may katuwiran din naman na huwag payagan an gating mga pulis na manakit sa mamamayan kahit pa may paglabag itong ginawa laban sa batas o sa mga altinutunin para mapigilan o matugunan ang problema sa pandemya ng coronavirus.
Narito naman ang aming mungkahi sa pamunuan ng pambansang pulisya at gayun na rin sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases—sa halip na yayantukin ang mga lumalabag, mas makakabuti siguro na kumpiskahin na lamang ang face mask o face shield ng mga taong lumalabag para nang sagayo’y walang pananakit na magaganap sa pagpapatupad ng ating mga unipormadong tauhan sa mga health safety protocol.
Kung sakaling ito ang gawin n gating mga pulis, problema na ng mga lumalabag kung paano sila mananatiling nasa labas ng kani-kanilang tahanan na walang suot na face mask o face shield—kaya marahil sa susunod na pagkakataon ay matututo na silang isuot ang kanilang mga face shield at face mask sa wastong pamamaraan.
Ang totoong mahalag na dapat nating gawin ay mapigilan ang pagkalat o paglaganap ng Covid-19 kaya nararapat lamang na sumunod tayo upang manatili tayong ligtas sa sakit at maging maayos an gating pamumuhay.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!