Advertisers

Advertisers

SENADOR GO, GO, GO… NATIVIDAD, PITIK-PITIK!

0 484

Advertisers

MALINAW at matindi ang paninindigan ng pamahalaan. Walang puknat pa rin ang kampanya laban sa iligal na droga kahit nahaharap ang bansa sa hamon na hatid ng COVID 19 pandemic.

Tiniyak ito ng trusted presidential aide, Senador Chistopher Lawrence “Bong” Go na hindi titigil ang gobyerno sa hangarin nitong masugpo ang illegal drugs hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa 2022.

“Uulitin ko, ang kampanya namin ni Pangulong Duterte laban sa iligal droga ay tuloy-tuloy po ‘yan hanggang sa huling araw ng kaniyang termino, hanggang sa huling araw ng aking termino, lalabanan po namin ang droga,” ang pagdidiin ni Go



Ngunit nakatakdang mabigo ang kampanya ng pamahalaan kapag nanatiling “papitik-pitik” lamang sa kanilang air-conditioned na tanggapan ang pangunahing arkitekto sa pagsugpo sa kalakalan ng bentahan ng droga, partikular na ang shabu sa mga lalawigan ng CALABARZON, si PNP Regional Director, PBG Felipe Natividad.

Ilang araw pa lamang ang nakararaan ay nanawagan sa butihing Senador ang isang barangay kagawad ng 4th District ng Batangas para aksyunan nito ang kinatatakutang Tisoy/ Idol, Flores gun for hire and kidnap for ransom group na siya ring pangunahing supplier ng shabu sa bayan ng Padre Garcia, mga kanugnog nitong mga bayan sa 4th district at maging sa Lone district ng Lipa City.

Takot ang mga concerned citizen sa munisipalidad ng Padre Garcia, pagkat maaari silang ipapatay mula sa malaking pondo na nalilikom ng nasabing sindikato mula sa pag-ooperate ng bentahan ng droga at jueteng na kunyari ay lehitimong operasyon ng PCSO-sponsored Small town lottery. Ang malakihang bulto ng shabu ay inaangkat ng nabanggit na grupo sa lalawigan ng Cavite at Metro-Manila.

Ang Tisoy/Idol gun for hire at KFR na pinamumunuan ng isang alias Kap Tisoy at alias Kap Idol, na siyang pasimuno din sa pagpapatakbo ng jueteng sa may 18 barangay ng Padre Garcia at mga laylayang barangay ng mga bayan ng San Juan, Rosario, Lobo at Lipa City.

Mula sa kinikita sa kalakalan ng shabu at operasyon ng jueteng humuhugot ng lingguhang pangsuhol, panghatag o pag-intelhencia ang Tisoy/Idol gun for hire and KFR para sa tanggapan ng kapulisan, kasama na dito ang kinokolekta ng isang Sir Miguel na Php 30,000 bilang protection money sa isang opisyal ng Batangas PNP Provincial Office.



Iba-ibang pigura ang hatag para sa PNP units depende sa pangil nito, at kapag napagsasama ay umaabot sa hindi kukulangin sa Php 1 milyon ang lingguhang naiihatag ng Tisoy/Flores gun for hire and KFR hanggang sa opisina ng mga PNP Regional 4-A director na siyang pwesto ngayon ni PBG Felipe Natividad at sa PNP headquarters sa Camp Crame.

Itinanggi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Office na may operatiba ang mga ito sa katauhan ni Sir Miguel na siya ring nagdeklara ng tatlong dobleng pagtaas ng intelhencia para sa mga ipinangongolekta nitong ilang PNP official eskalawag.

Dapat mapigilan ni Natividad si Sir Miguel pagkat batik ito sa kanyang malinis na police career, mistulang putik at alkitran din itong nakakulapol sa imahe ng magiting na heneral.

Pagkat tumatanggap na nga si Sir Miguel ng lingguhang intelhencia at nagawa pang maitaas nito ng tatlong doble ang nasabing tongpats, ay asahan na talagang mabibigo ang kampanya kontra-droga ni General Natividad sa kanyang hurisdiksyon.

Kaya pulbusin man at wasakin ng ating mahal na Pangulo ang bilyon-bilyong droga, kabilang na ang may Php 7 bilyones na shabu na nakumpiska sa lalawigan ng Cavite ay wala rin itong saysay, lalo pa nga kung totoong kukuya-kuyakoy lamang ang mabunying heneral Natividad sa kanyang tanggapan, at lalo pa nga kung di nito alintana ang mga kabalbalan ng salot na Tisoy/Idol gun for hire and KFR ng Padre Garcia, Batangas.

Napakabangis at napakatapang magsalita ng hinalinhan ni PBG Natividad na si PBG Vicente Danao Jr., ngunit kawangis ito ng mabangis na leon na biglang nangayupapa sa sindikatong Tisoy/ Idol Flores Crime group.

Mahihirapan si Natividad na malipol ang droga sa mga lalawigan ng CALABARZON habang dumadaloy mula sa naturang grupong kriminal patungo sa kapulisan at iba pang awtoridad ang salaping mula sa STL bookies o jueteng.

Sakaling natitikbalang si General ng kanyang mga alipores narito ang mga listahan ng iba pang sangkot sa bentahan ng shabu na kasalukuyang nagpapatakbo din ng STL cum jueteng sa kanyang hurisdiksyon: Laguna- alias ex-pulis Ebora, alias Sgt. Barretto at Osel sa Los, Baños, Sta Rosa at Calauan, alias Arwina sa Palo Alto, Ka Nato, at Dave ng Calamba City, alias Tita na nagpapa-bookies din Calamba City, Cabuyao, Pacita at sa buong San Pedro City , alias Alvarez sa Brgy. Bunggo, Calamba City, alias Denden sa bayan ng Calauan, alias Jayson ng Sta Maria, alias Danny ng Liliw, alias Orlan ng Aluminus, Melody, Erwin at Pido ng Golden City, Sta Rosa City, F5 ng Cabuyao City, alias Edwin, Tose at alias Sgt. Barretto na kumikilos din sa San Pablo City, San Pedro, Sta Rosa at Cabuyao, alias Sgt Karatehan at alias Ossel sa Los Baños, Sta Rosa at Calauan, alias Mayor Edwin ng Bay at Los Baños at alias Onad ng Pagsanjan at Sta Cruz.

Sa Lipa City, Batangas: ang mga dapat ipalansag ni Senador Go ay ang mga sumusunod: Ka Carling ng Bulacnin, Kap Randy, Brgy. Sulok, Ex-Kap Fonti- Brgy Granja at Poblacion, Kap Gonzales- Brgy. San Benito, alias Kap Boyet ng San Lucas, Kap Lacorte- Brgy. Sto Toribio at Saint Michael; Kap August- Brgy. 8. Poblacion; alias Kap Sara ng Sampaguita, alias Ruben Sabedra- Brgy. Balintawak; Lorenz- Brgy. Poblacion 4 at Bulaclacan; Neneng Dista- Brgy Uno; Vilma Tomboy-Calle Pogi, Brgy 3, Amapola Subdivision, C.M Recto Ave., at bus stop; Liza at Linda-sa Brgy. Balintawak at Poblacion; Hadjie at Aiza- Brgy San Jose o San Jose Patay, Ex-pulis Yema- Brgy. Pangao.

Sina alias Kap Wanita at Kap. Fernan, naman ang kumokontrol ng operasyon ng STL bookies/ jueteng at droga sa South at North District ng Lipa City na kumakatawan sa 34 na barangay ng Lipa City.

Sa Tanauan City, Batangas, ang mga drug/gambling maintainers ay sina alias Mayor Benir, Konsehal Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa,Madam Bagsik ng Brgy. Janopol, Ms. Anabel ng Pantay na Matanda, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho ng Brgy. 7 at Putuhan, Lito ng Brgy. 7 at Putuhan at Konsehal Perez ng Poblacion.

Ang iba pang drug/gambling maintainers sa Tanauan City ay sina Ocampo ng Brgy. Bagbag, Emil, Ramil, Aldrin , Terio, Angke at Lilian ng Brgy. Sambat, Lawin at Dona ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Tano at Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango.

Sa munisipalidad ng Malvar ay kontrolado nina alias Banog at Rico ang bentahan ng shabu at operasyon ng STL bookies/jueteng sa may 15 barangay ng nasabing munisipalidad.

Sa bayan ng San Juan, ang drug pusher na nagpapatakbo din ng STL cum jueteng ay si alias Kap Nelson, sa munisipalidad ng Nasugbu ay si Willy Bokbok, sa bayan ng Taysan ay si alias Bedu, sa mga bayan ng Mataas na Kahoy at San Jose ay si alias Kap Virtucio o Vice Virtucio, Ibaan ay si Roceo at sa Batangas City ay ang magkasosyong si alias Kap Bening at alias Mayor Benir. Sa Coastal Road, Paliparan, Dasmariñas City, Cavite ang numero unong tulak ng shabu at operator ng STL bookies o jueteng ay si Alex.

Talagang balewala ang direktibang “no take policy” ni PBG Natividad, habang di kinakikitaan ng pangil ang kampanya nito kontra droga at sugal ng kanyang mga Provincial director at hepe ng kapulisan.

Kaya naman Senador Go: go, go kontra droga at sugal!

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.