Advertisers

Advertisers

Motoristang lalabag sa batas trapiko sa Maynila walang ligtas sa multa

0 295

Advertisers

INILUNSAD na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang ‘No-Contact Apprehension Program’ (NCAP) para sa mga motorista na lumalabag sa batas-trapiko sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, sa pamamagitan ng nasabing programa ay wala nang ligtas ang mga motorista na lumalabag sa batas-trapiko na dumadaan at bumibiyahe sa lungsod.
Ang mga ikinabit na high-definition cameras ay 24/7 na gumagana kahit pa umuulan habang ang mga tauhan naman ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang magmo-monitor nito bukod pa ang pagmamando nila ng personal sa daloy ng trapiko.
Ang MTPB narin ang bahalang magproseso o kumuha ng detalye sa Land Transportation Office (LTO) ng pangalan ng may-ari ng sasakyan sa pamamagitan ng plate number.
Ang mga mahuhuli na lalabag sa batas-trapiko ay makatatanggap ng ‘Notice of Violation’ sa loob ng dalawang linggo sa pamamagitan ng registered mail.
Maaari magbayad ng kanilang multa sa tanggapan ng MTPB o kaya ay sa itinalagang bangko at remittance center. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)