Advertisers
Tama si Manila Mayor Isko Moreno na kailangan parin na mag-ingat ang mga mamamayan sa pagdiriwang ng kapaskuhan, katulad ng pamimili sa Divisoria ng mga bagong damit at mga panregalo sa mga inaanak. Makakamura ka nga ng presyo sa Divisoria pero mae-expose ka naman sa corona virus, lagot ka kapag nadale ka. Kung sabagay, sa Ilaya street, Binondo, lamang dagsa ang mga mamimili dahil bukod sa makitid ang kalsada dahil sa magkatapat na vending stalls ng mga vendor at bargain ang estilo ng pagtitinda, hindi talaga masasawata ang dagsa ng mamimili dahil pinupupog ng buyers ang mga bargain sales. Malawak naman ang palengke ng Divisoria, huwag patangay sa mga estilo ng vendors ng bargain na pinupupog ang mga mamimili para lalong makaakit, pero ang laking panganib nanan na magkahawaan ng virus, iwasan na ang Ilaya, Binondo kung gusto mong makaiwas sa covid.- Concerned Shopper of Divisoria
Clearing ops ng DILG seryosohin na sana sa Marikina City
TEXT BRIGADE: PAGING OPSS MARIKINA. SA UNTI- UNTING PAGBANGON NG LUNGSOD NG MARIKINA MULING BABALIK ANG GANDA NG KAPALIGIRAN NITO. LUBOG MAN TAYO SA NAG DAANG BAGYO AY MULING BABANGON ANG MARIKINA PAG TAYO AY MAGTUTULUNGAN. IPAKITA NATIN NA ANG MGA MARIKINYO AY MAY PAGKAKAISA. DAHIL ANG AMA NG MARIKINA AY MAY BUSILAK NA PUSO AT PANININDIGAN. PAGING BRGY. CHAIRMAN NG TUMANA. DAHIL SA MGA ONE-SIDE PARKING, DAPAT NA TALAGANG PAIRALIN ANG CLEARING OPERATION NG MMDA AT DILG DAHIL SA MGA PASAWAY. BARANGAY TUMANA ,AKSYON NAMAN TAYO DYAN PARA SA MALINIS NA KALYE MAALIWALAS DAANAN. – MATA NG LANSANGAN
Mga tulak sa Brgy. 93, Tondo, Manila
GUD MORNING. REPORT KO D2 SA LUGAR NAMIN. BRGY 93 ZONE 8, INOCENCIO ST., TONDO, MANILA, ANG MGA NAGTITINDA NG SHABU. SILA PO SINA “OGIE”, “ BULONG”, “S INING”, AT “TIRIRIT”. NAHULI NA YUNG KAPATID NI OGIE PATI UNG PAMANGKIN NYA PERO 2LOY PARIN ANG PAGBEBENTA NILA NG SHABU D2 SA LUGAR NAMIN. PAMANMANAN NYO PO. – CONCERNED CITIZEN