Advertisers

Advertisers

Kung ano ang puno, siyang bunga…

0 2,099

Advertisers

Tayong mga Pinoy ay sangkaterba ang salawikain. Yun bang kasabihan na parang pasaring, pero totoo naman ang kahulugan. Isa na rito ang “kung ano raw ang puno ay siya ring bunga.”

Totoo naman, dahil walang puno na iba ang bunga. Sa tao raw ay ganun din. Sa english nga ay “like father like son” o vice versa. Kung baga, kalimitan, kung ano ang mga magulang ay ganun din ang mga anak. Sa salitang kalye nga ang sabi “may pinagmanahan.”

Parang sa kasalukuyan, pag sinabi mong Makabayan bloc, ang sabi nga ng Pangulo ay samahan ng mga mambabatas na nais pataubin ang tahimik na pagmamahal at ipalit ang komunismo.



Totoo na naman, kasi nga ang mga miyembro ng Makabayan bloc ay mga representasyon ng partylist gaya ng Bayan Muna, Gabriela, Kabataan, ACT Teachers atbp. na pawang maka-komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines (CPP) at ang armado nitong kilusan na New People’s Army (NPA).

Hayagan ang pagtanggi ng mga mambabatas na ito na sila at ang CPP-NPA ay iisa, o kaya naman ay may kaugnayan sila sa komunistang-teroristang samahan. Gaya na lamang kamakailan, nang mapabalitang ang pinaka-batang anak ni Bayan Muna Representative Eufemia Cullamat ay napaslang sa engkwentro sa pagitan ng militar at ng CPP-NPA.

Marami ang nabigla, ang anak ni Rep. Cullamat na si Jevilyn, 22-anyos ay miyembro ng CPP-NPA. Ang ating pinag-uusapang salawikain ba ay tama o naaangkop sa usapin o isyu ng Makabayan bloc? O’ may pinagmanahan ba?

Lipat tayo sa mas bagong balita. Ang pag-aresto kay Amanda Lacaba Echanis, anak na babae ng napaslang na National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultant at Anakpawis chairman Randy Echanis. Ang Anakpawis ay kaalyado rin ng Makabayan bloc.

Ang babae at nakababatang Echanis ay inaresto sa salang pagtatago ng mga baril, o Illegal possession of firearms and explosives sa kanyang tahanan sa Cagayan. Sari-saring armas, ang ilan ay mga bago pa ayon kay PNP Chief Debold Sinas, ang narekober sa bahay ni Echanis na ang amang napaslang ay miyembro rin ng komunistang-teroristang samahan na CPP-NPA-NDFP bilang peace consultant.



Dagdag pa ng bagong hepe ng pulis, si Amanda at ang asawa nito ay mga miyembro ng underground movement na NPA sa lugar kaya nagtataglay ang babaeng anak ni Echanis ng mga makabago at matataas na kalibre ng baril.

May pinagmanahan nga rin ba si Amanda?

Di na ako ang sasagot niyan, ipapasa ko na sa inyo ang katanungan na yan. Dadagdagan ko pa ng katanungan muli – totoo ba ang kasabihang kung ano’ng puno ay siya ring bunga?