Advertisers
HINDI na pinatapos ng mga pulis ang programa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT-Philippines) na magsagawa ng kilos-protesta sa harap ng Department of Education (DepEd) Central Office, nitong Lunes ng umaga.
Nagkaroon ng kaunting pagtatalo sa pagitan ng mga otoridad at mga nagra-rally dahil sa pilit silang pinapaalis ng mga rumes-pondeng pulis.
Ayon sa Eastern Police District (EPD), bawal parin ngayon ang mass gathering dahil nasa ilalim pa ang Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) at walang permit ang kanilang kilos-protesta.
Hindi rin tinanggap ng pamunuan ng DepEd ang ‘letter of demand’ ng ACT-Philippines para sa ahensya.
Nakapaloob sa letter of demand ng grupo ang panawagan nito na bigyan ng tulong at suporta ang mga gurong nasalanta ng nakaraang bagyo.
Binatikos din ng grupo ang agarang pagbabalik-eskwela ng mga guro kahit hindi pa napapalitan ng DepEd ang mga nasirang teaching at learning materials sa bagyo.