Advertisers
Ni JOVI LLOZA
HAPPY ang netizens nang mapanood ang video ng huling training ng role na Darna ni Liza Soberano sa socmed.
Maraming komento ang netizens sa video training na Darna sana ni Liza.
Isa sa mga hottest young actress ng bansa si Liza at in-demand din ang loveteam ng LizQuen nila ng bf nitong si Enrique Gil.
Nanghihinayang ang followers sa hindi na pagkatuloy ni Liza sa Darna.
Perfect sana siya para sa kanyang henerasyon at bumilib din sila sa pagiging masigasig ni Liza sa trending na training video nito sa Darna.
***
NAGANDAHAN ang netizens sa bagong ayos o bagong bihis ng isa sa mga parte ng bahay ni Kathryn Bernardo.
Bukod kasi sa maganda na nitong bahay ay dama na rin ng mga kasamahan nito sa bahay ang kapaskuhan.
May isang portion ng bahay ng batang aktres na nandoon ang Christmas decor at tree na ‘di nito itinanggi na recycled.
Sa IG ni Kathryn ay ipinasilip nito ang lugar na gusto nito kapag siya ay nagluluto.
Gaganahan na nga raw magluto si Kath sa ni-renovate na kitchen niya.
Dagdag kuda pa ng netizens na mukhang ready na si Kathryn na ipagluto ang bf na si Daniel Padilla.
Well, well, well…’Yun na!