Advertisers

Advertisers

Wish ng namayapang amang si April Boy… JC Regino gagawa ng programa para sa PWD

0 295

Advertisers

Ni JOE CEZAR

NOON pa man gusto ng namayapang Jukebox King na si April Boy Regino na makatulong.

“Gagawa ng program para sa PWD (Persons with Disabilities) kahit may sakit siya, gusto niya makatulong,” ani JC Regino na anak ni April Boy.



Dagdag pa ni JC, may gagawin pa raw sana silang bagong kanta, duet nila ng kanyang ama.

Nais din sundan ni JC ang mga yapak ng ama bilang singer at composer.

***

Sa virtual reality concert…

ALDEN RICHARDS  MAKAKASAMA SINA RODJUN AT RAYVER  CRUZ  



SA darating na December 8, ise-celebrate ni Alden Richards  ang kanyang kauna-unahang  virtual  reality concert.

Special guest ni Asia’s Multimedia Star sa kanyang ika-10 na anibersaryo sa showbiz sa pamamagitan ng concert na ito ang  Kapuso celebrity brothers na sina Rodjun at Rayver Cruz kasama ang OPM band na December Avenue.

Siguradong jampacked sa saya at kilig ang once-in-a-lifetime event na ito.

Ang mga bumili ng VIP tickets na narito sa Pilipinas ay makatatanggap ng limited edition VR device na magagamit nila para sa mas pinagandang viewing experience. Balita nga, sold out na ang VIP tickets para sa 11 PM slot.

Kaya naman sa mga hindi pa nakabibili ng tickets, bisitahin na ang http://www.gmanetwork.com/synergy bago pa maubusan.