Advertisers
SA huling 15 buwan ng panunungkulan ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano bilang Speaker ng Kamara de Representantes, naging mainit pa sa kapeng barako ang bangayan kontra sa kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Hanggang sa mga huling sandali, namagitan pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa speakership term-sharing agreement sa pagitan nila Cayetano at Velasco upang hindi maantala ang pagpapatibay sa P4.5 trillion 2021 national budget.
Mga dabarkads, ngayon lamang 18th Congress nangyari ang ganitong term-sharing agreement.
Nagbanta ang mga kaalyado ni Cayetano na anumang pagkilos upang palitan siya ay makagagambala sa pagpapasa ng national budget.
Sinubukan naman si House Deputy Speaker Luis Raymund “LRay” Villafuerte na hikayatin ang mga kongresistang sumusuporta kay Velasco na itigil ang anumang panawagan para sa palitan si Cayetano.
Subalit hindi naman nagpatinag ang mga supporters ni Velasco at nagpakita ng “malaking numero” ng mga mambabatas na nagsusulong para sa term-sharing agreement sa speakership na ginanap sa isang event place sa Quezon City.
Isa si AAMBIS-OWA party-list Rep. Sharon Garin ang dumalo sa pagtitipon na ayon sa kanya, importante pa rin hindi madiskaril ang deliberasyon sa 2021 national budget kahit may maguluhan nangyayari sa loob ng Kamara.
Sa bandang huli, kusang-loob na bumigay si Cayetano at hinayaan si Velasco na tapusin ang nalalabing 21 buwan para pamunuan ang Kamara. Nangako naman ang bawat isa to “work together” para sa timely passage ng proposed PHP4.5-trillion national budget for 2021.
Sa unang 15 buwang panunungkulan ni Speaker Cayetano, pangunahing ipinasa ng Kongreso ang “Bayanihan To Heal As One Act” na magbibigay ng stand-by powers sa Pangulo upang epektibong maipatupad ang mga polisiya at mapigilan ang paglaganap ng corona virus disease o COVID-19 dahil naglalagay na sa panganib ang buhay ng sambayanang Filipino.
Agad na binuo ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) noong January 2020 upang malabanan ang mabilis na pagkalat ng viral outbreak galing Wuhan, China.
Sa bisa ng Resolution No. 85, nagdeklara si Pangulong Duterte ng total lock down at inilagay ang kabuuan ng Metro Manila at mga lalawigan sa Enhance Community Quarantine (ECQ) simula March 16 hanggang April 14, 2020.
Habang lumalaban ang bansa sa pendemiya ng covid 19, kasabay nito ang pagbabalangkas ng National Expenditure Program o ang 2021 national budget.
Dahil nga nananatiling “top priority” para sa Kamara na maipasa ang national budget, malaki ang pag-asa ni Speaker Velasco na maratipikahan ito ng Kongreso bago mag-holiday break upang malagdaan ni Pangulong Duterte bago matapos ang taon.
Bilang tugon naman sa panawagan ng Punong Ehekutibo na paigtingin ang pagsisikap laban sa korapsyon sa lahat ng sangay ng gobyerno, nangako si Speaker Velasco kasama si House Majority Leader Martin Romualdez, ilang anti-corruption bills ang kasama sa legislative agenda gaya ng House Bill 7230 o ang Forfeiture Law, na layong dagdagan ang financial resources ng Office of the Ombudsman sa pagbibigay ng 30 percent share sa anumang properties forfeited in favor of the State; House Bills 581 at 6003, na nangangailangan ng pagsasama sa anti-corruption and governance education sa basic and higher education curriculum; House Bill 967 na layong magbigay ng proteksyon at benepisyo sa tao na magsusumbong ng corrupt official at tatayong saksi upang masampahan ng kaso; at House Bill 579 na layong maglikha ng National Independent Commission Against Corruption bilang attached agency ng Office of the Ombudsman.
Inaasahan naman ira-ratify ng Kongreso ang 2021 national budget matapos ang deliberasyon ng bicameral conference committee at malagdaan ito ni Pangulong Duterte bago mag-holiday break sa December 16.
Ang sabi ni ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap, chairman ng House committee on appropriations at head ng House contingents sa bicameral conference committee, ito ang Christmas presence ng Kongreso kay Pangulong Duterte at maging sa sambayanang Filipino.