Advertisers

Advertisers

Lovi waging Best Actress sa 10th International Film Festival Manhattan

0 297

Advertisers

Ni BKC

KINILALA bilang Best Actress sa 10th International Film Festival Manhattan ang Kapuso star na si Lovi Poe para sa kanyang magaling na pagganap bilang isang violent wife sa 2019 film na “Latay.”

Hindi makapaniwala ang bida ng “Owe My Love” sa parangal na natanggap.



“I have never portrayed the role of a violent wife to a battered husband. To say it was challenging is an understatement. I am fond of taking on offbeat roles and doing projects like this that raises awareness about domestic violence, particularly towards men, which isn’t documented as much.

“Thank you Cinema Bravo and the International Film Festival Manhattan,” pahayag ni Lovi sa kanyang Instagram post.

Tiyak namang pakikiligin at patatawanin ni Lovi ang viewers sa upcoming romantic-comedy series ng GMA Public Affairs na “Owe My Love” na gagampanan niya ang karakter ni Sensen Guipit kasama si Benjamin Alves bilang si Doc Migs Alcancia.

Balita namin ay bukod sa love story ng dalawa, dapat ding abangan ang pagtalakay sa financial literacy ng nasabing Kapuso serye. Excited na rin ang viewers sa sayang hatid ng iba pang cast na kinabibilangan nina Aiai delas Alas, Winwyn Marquez, Jackie Lou Blanco, Nova Villa, Leo Martinez, Ruby Rodriguez, Pekto Nacua, Buboy Villar, Kiray Celis, Ryan Eigenmann, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Terry Gian, at Mahal.

***



Fans ni Alden, goin’ crazy sa kanyang upcoming single

USAP-usapan na naman ngayon sa social media ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards dahil opisyal nang nagsimula ang pre-order para sa kaniyang newest single na ‘Goin’ Crazy’ under GMA Music at FlipMusic Productions.

 

Kabilang sa top trending topics sa Twitter ang hashtag na #AldenxGoinCrazyPreOrder nitong December 1, na ibinahagi ng fans ng Kapuso star ang kanilang excitement at agad na pag-pre-order sa iTunes ng kanta.

 

Samantala, isang special debut performance ng ‘Goin’ Crazy’ ang inihanda ni Alden para sa mga manonood ng kanyang 10th year anniversary concert na Alden’s Reality sa December 8. Almost sold out na ang tickets kaya huwag magpahuli at bumisita na sa www.gmanetwork.com/synergy.