Advertisers
Nakakadismaya naman ang balitang umuugong sa apat na sulok ng bansa lalo pa nga’t lahat ay naghahanda natin sa selebrasyon ng Kapaskuhan gaano man ito ka-payak at ka-simple.
Kahit pa nga idineklara nang bawal ang mga mass gatherings gaya ng Christmas parties, reunions and the likes.
Nais ng sambayanang Pilipino na kahit paano ay maging masaya at puno ng pag-asa ang kanilang mga puso at isipan sa paggunita nga natin sa kapanganakan ng Dakilang Manunubos ngayong taon ng pandemya 2020.
Nais ding salubungin ng bawat Pilipino ang pagpasok ng Bagong Taon 2021 na puno ng pag-asa at positivity.
Pero bakkit tila may ilang tarantadong sektor o grupo na nais maging pambansang “SPOILER” o kontrabida at nagpapakalat ng mga balita na sa mga darating na araw ay may lockdown na ipatutupad.
Ano ang gustong palabasin ng grupong ito?
Ano ang nakatagong agenda ng mga ito?
Ayon sa ating mga naririnig at sa mga bubwit na nasa paligid, mula sa level ng mga barangay ang tsismis na kesyo magpapatupad ang ilang lokal na pamahalaan ng lockdon ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Unang umalingawngaw ang balita/tsimis na lockdown sa lungsod ng Maynila at ito umano ay magsisimula sa darating na Disyembre 22, 2020 hanggang sa susunod na taon.
Hindi ito maganda sa sitwasyon ngayon kung saan umpisa nang nakakabangon sa matinding bangungot ng Covid-19 pandemic ang bansa.
Ang pagkakalat ng mga ganitong senaryo ay magbibigay lamang ng malaking suliranin at alalahanin sa lahat ng tao.
Pati ang mga negosyong ngayon pa lamang bumabangon ay tiyak na negatibong maaapektuhan.
Bukod sa posibilidad na mag-trigger ito ng panic sa mamamayan, anxiety at emotional at physical stress, hindi lamang sa mga padre de pamilya kundi sa sektor ng kabataan na sobra na ang nararanasang “stress” sa napakahabang panahon pagkaka-confined ng mga ito sa kanilang tahanan.
Dapat nga, magsagawa ng “stress debriefing” ang mga LGUs sa grupo/sektor ng mga kabataang inagaw na ng pandemya ang kalayaang maging masaya,mag-enjoy, makalabas at makapamasyal at magawa ang mga basic activities gaya ng paglalaro at pagtungo sa parke at mga malls.
Kung tayong mga nasa wastong eded na ay nakakaranas ng ibayong “stress” mga anak pa kaya natin na hindi pa talos ang mga tunay na kaganapan sa sandaigdigan?
Magkakasalungat ang opinyon ng mga eksperto at lider ng ating bansa kung luluwagan na nga ba ang mga safety & health protocols o maglalatag ng panibagong paghihigpit at muling magpatupad ng mga lockdowns.
Sa punto de vista natin ay tila eksaherado na ang mga reaksyon ng karamihan sa mga alkalde ng mga siyudad at bayan dito sa bansa partikular na ang Metro Manila mayors na tila di makahulagpos sa kanilang naising mapanatili ang kanilang matinding pangungunyapit sa extra special powers na nakamit during the pandemic.
Hindi natin sila hinuhusgahan ngunit hindi rin natin masisisi ang tanongbayan kung ganito ang kanilang nasa puso at isipan.
Kasi kung mananatili ang sitwasyon na nais nila palabasin patungkol sa Covid-19, may rason silang magpatupad ng ano mang kautusan o protocols in disguise of following the safety and health protocols.
Sabihin lamang nila na pinangangalagaan lang nila ang kalusugan at buhay ng kanilang mga constituents upang di mahawaan ng pesteng Covid-19 virus, lusot na kapagdaka ang ano man nais nilang kautusang ipatupad locally.
Pati ang diskresyon ng mga local executives na ito sa tinaguriang pondo ng bawat lokalidad pati na ang intelligence at discretionary funds na di saklaw ng audit ng COA.
Pati na ang pagpapatupad at pagbalangkas ng mga ordinansa na magkakaloob sa isang lokal na pamahalaan ng “visible at invisible special powers.
Matindi na ang pag-aray ng sektor ng negosyo, paggawa, turismo at ng kung anu-ano pang grupo ng mga mamamayan dahil sa parang lumalabas na “at the mercy” na nga ng mga local chief executives na ito ang kanilang kaligayahan, kinabukasan at kapalaran.
Hindi na rin malaman kung sino ang susundin ng taongbayan dahil iba-iba at magkakasalungaat ang mga lumalabas na kautusan.
Maliban sa sadyang nakalilito, may mga pagkakataon pang atras-abante at bawi-bawi ang pahayag .
Hindi na katanggap-tanggap pang magpatupad muli ng mga lockdowns lalo na ngayong naglabasan na ang mga anti-Covid-19 vaccines sa iba’t ibang bansa sa mundo.
Kung kailan may bakuna na, saka pa parang gustong maghasik ng panibagong sindak sa Covid virus ang ilang grupo!
Totoo man o eksaherado ang isyu patungkol sa Covid-19, may karapatan ang bawat mamamayan kung ano para sa kanila ang “best way” sa pagharap sa problemang ito.
“Wag agawin sa kanila ang kanilang karapatang magdesisyon para sa kanilang sarili at para sa kani-kanilang mga pamilya.
“Wag gawing “compulsary” ang pagbabakuna dahil paglabag ito sa karapatang pantao na malinaw na nakatadhana sa ating Konstitusyon; ang sino man na obligahin sumunod sa ayaw nilang gawin o labag sa kanilang kalooban na tupdin is short of being coerce!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com