Advertisers

Advertisers

Sports officials magkaisa, tigilan ang bangayan para ‘we win as one’

0 227

Advertisers

MAG-IISANG taon na ang matagumpay na hosting ng Pilipinas sa 30th SEA Games na nagtala sa ating bansa sa mapa ng international sports.

Tatlong importanteng bagay ang ating nakamit sa palaro. Una na rito ang muli nating pagkampeon sa SEAG after years! Ito ay bunga ng masigasig na determinasyon at pag-eensayo ng mga atletang Pinoy. Pangalawa, nakapagpatayo tayo ng isang world-class sports facility sa New Clark City, Pampanga na maaari nating ipagmalaki sa buong mundo, naisayos ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila, at Philsports Arena sa Pasig na mas lalo pang magagamit sa training ng mga atleta at maaring maging destinasyon ng sports tourism sa bansa. Higit sa lahat, nagkaisa ang mga Pinoy para suportahan ang ating mga atleta at maipakita sa mga dayuhang manlalaro ang kultura at kaugalian ng ating bayan.

Oo! Mapapabilib ka sa naging aksyon ni dating Speaker Alan Cayetano bilang pinuno ng PHISGOC na namahala sa SEAG. Sa loob lamang ng maiksing panahon ay kinaya niya ang pag-organisa sa 56 laro at 531 events na ginanap sa 53 competition venues at sa 8 non-competition venues. Nagawa itong lahat kahit bitin ang pondo ng SEAG. Ngunit dahil sa diskarte ni Cayetano bilang isang mambabatas at sports enthusiast, nakipag-ugnayan siya sa policy makers at pribadong sektor para matagumpay na maidaos ang biennial meet.



Mistula namang inisnab lang ng mga nakaraang administrasyon ang pagbibigay-halaga sa ating mga atleta kaya naman kaliwa’t kanan ang mga reklamong naririnig natin tungkol sa kakulangan ng mga pasilidad na maaari nilang gamitin para sa pag-eensayo. Kaya nga naisipan ng BCDA na itayo ang isang world-class sports facilty sa New Clark City upang magamit ng mga atleta sa kanilang pag-eensayo at ng ibang bansa na nagnanais magdaos ng international sports events dito.

Kabilang sa mga world-class sports facility na nasa loob ng New Clark City sports complex ay ang 20,000-seater na Athletics Stadium, Aquatics Center na may 10-lane Olympic competition pool, 8- lane training pool at ang diving pool na may seating capacity na hanggang dalawang libo. Siyempre, dito rin itinayo ang Athlete’s Village na kayang mag- accommodate ng 1,800 atleta. Sa katunayan, sa New Clark City na sana mag-eensayo ang ibang dayuhang atleta bilang paghahanda sa 2020 Tokyo Olympics ngunit hindi ito natuloy dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa totoo lang, kung nais talaga natin makahabol ng husto sa ibang bansa pagdating sa sports, aba’y kailangan mamuhunan ng gobyerno para makapagpatayo ng iba pang pasilidad upang mahikayat ang ating mga kababayan na magkainteres sa larangan ng palakasan. Hindi na tayo dapat urong-sulong sa pagpapatayo ng mga pasilidad na maipagmamalaki ngayon at ng mga susunod pang henerasyon.

Kaya malaking tulong ang nilagdaan ni Pangulong Rody Duterte na dalawang batas tungkol sa lalo pang paglago ng sports development sa bansa. Isa na rito ang RA 11214, Philippine Sports Training Center (PSTC) Act, na naglalayon makapagtayo ng isang state-of-the-art at highly-scientific sports complex na tatawaging Philippine Sports Training Center na pamamahalaan ng Philippine Sports Commission (PSC); at ang RA 11470, ang National Academy of Sports (NAS) System Act, na magtatatag ng National Academy of Sports na maglilinang sa talento ng mga estudyante sa larangan ng sports batay sa int’l standards.

Kaya ang ating panawagan sa sports officials, policy makers at pribadong sektor: Gawin ninyong inspirasyon sa lalo pang pagpapalakas sa ating sports development ang tagumpay na nakamit ng mga atletang Pinoy sa nagdaang 30th SEA Games para lagi tayong ‘we win as one’. Mismo!

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">