Advertisers
NAGPASAKLOLO ang pamilya ng pulis na misteryosong pinaslang sa drug buy bust operation sa Abilay Sur, Oton, Iloilo.
Kinilala ang biktima na si Police Corporal Felfrance Lumahang, 27, non-commissioned officer at nakadestino sa Provincial Drug Enforcement Unit sa Iloilo.
Ayon kay alyas Inday, hanggang sa ngayon ay wala paring linaw kung paano napaslang ang kanyang kapatid.
Hindi rin aniya nagtutugma ang pahayag ng Oton Municipal Police Station at ng Police Regional Office VI hinggil sa pagpaslang kay Lumahang.
Si Lumahang ay nagtamo ng sugat sa dibdib nguni’t walang nakasaksi sa insidente.