Advertisers
PERSONAL grudge ang isa sa tinitingnang motibo sa pagbaril-patay sa isang Police Officer ng Asturias Police Station sa Purok Manga, Barangay Dumlog, Toledo, Cebu.
Kinilala ang biktima na si Staff Sergeant Gerfil Opeña Geolina, 44, residente ng Brgy. Das ,Toledo City.
Ayon kay Lt. Col. Jonel Caadlawon, hepe ng Toledo Police Station, nakarinig ng putok ng baril ang mga tao sa lugar nitong Biyernes ng umaga at bumagsak ang motorsiklo na sinasakyan ng pulis na galing sa duty.
Ang biktima ay isa sa mga rumesponde sa Katimugang bahagi ng Cebu na binaha dahil sa malakas na pag-ulan.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya.