Advertisers

Advertisers

MODIFIED CURFEW HOUR SA BATAAN IPAPATUPAD SIMULA DISYEMBRE 16

0 208

Advertisers

Ipinaalala ni Chairman Ariel Cruz ng Barangay Colo, Dinalupihan Bataan sa kanyang mga kabarangay na simula sa ika-16 ng Disyembre, ipinatutupad na malawakang curfew sa buong Bataan sa ilalim ng Modified General Community Qurantine (MGCQ) ay magsisimula na sa ng 10:00 ng gabi hanggang 3:30 ng umaga.
Ayon kay Cruz, ipapatupad lamang ang modified curfew hours na ito hanggang Disyembre 31.
Ipinaliwanag ni Tserman Cruz na ang mga “exempted” sa ipapatupad na curfew ang mga ss: Mga individual na mga nagtratrabaho sa mga pinapayagang negosyo sa ilalim ng panuntunan ng MGCQ na ang kanilang operasyon ay lampas sa itinakdang oras ng Curfew; mga Medical services; mga Security services; BPO’s; mga export related na mga industriya; at mga Emergency Cases.
“Pagsapit ng unang araw ng 2021, ang curfew po ay ibabalik sa naunang schedule na 9:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga,” pahayag pa ni Cruz.
Aniya, base na rin ito sa kautusan ng pamahalaang lungsod ng Bataan upang mabigyan ng pagkakataon ang kanilang mga kababayan na makapagdiwang ng Christmas holidays kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at magkaroon ng mas mahabang panahon ng pagkakasama-sama sa dakilang araw ng Pasko.
Pinaalalahanan din ni Chairman Cruz ang lahat na sundin ang lahat ng primary health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, mag-obserba ng social distancing, maghugas at mag-disinfect parati ng kamay. (Diane Maribil Matilla)