Advertisers

Advertisers

Japeth at Avery!

0 236

Advertisers

Maging Avery Bradley ba ng PBA si Japeth Aguilar?

Hindi sumama ang pointguard ng Lakers sa Disney bubble ng NBA kung saan ang koponan niya ang nagkampeon.

Personal na dahilan ang sanhi nang hindi pagpunta ni Bradley sa Orlando. Kaso naghari ang LA Lakers sa season kaya parang dyahe siya. Missed opportunity eka nga. Nakalipat na siya ngayon sa Miami.



Ire naman si Aguilar ay hindi pumirma ng bagong kontrata sa Barangay Ginebra kaya hindi siya kapiling ng Gin Kings sa Clark.

2-0 ang kartada ng PBA Finals pabor sa GinKings habang sinusulat natin ang pitak na ito. Kung maka-2 pang panalo sa serye ang mga bata ni Coach Tim Cone ay kanila na ang korona.

Eh di parang pangit na karanasan ni Avery ang sasapitin din ni Japeth. Sayang na pagkakataon.

***

Sa hindi inaasahang pangyayari ay lumagda si LeBron James ng dalawang taong extension. Kaya mananatili pa si King James ng tatlong taon sa defending champion.



Sumunod naman si Anthony Davis na pumayag sa limang taon na kasunduan sa Lakers.

Ibig sabihin ay buo pa ang tandem nina AD at LBJ hanggang 2023. Pero posible pa rin daw madagdagan yan ng isa pang superstar sa susunod na taon upang masigurado ang pagdomina ng Showtime Lakers sa liga.

Ang bagong Big 3 ay maaaring kabilangan nina LeBron, LeBrow at Giannis Antetokunmpo kung sasang-ayon ang Greek Freak sa salary cut. Kung hindi man si Giannis ay nandiyan ang posibilidad na lumipat sa kanila si Kawhi Leonard o si Paul George na matagal na nililigawan ni GM Rob Pelinka ng Lakers.

Pwede rin James Harden o si Russell Westbrooke para lumakas ang tsansa nilang makatikim naman sila magsuot ng NBA ring.

Hala paborito na muling destination ng mga sikat na basketbolista ang team ng Hollywood.

***

Sa ika-21 ng Disyembre ay bisita sa OKS@DWBL sina Fritz Gaston at ang kanyang mga anak na volleyball player. Puro mga ama/ina at anak na tandem ang mga panauhin natin sa buong buwan.

Bukod sa ex-Ateneo Blue Eagle ay makakapanayam din natin ang mga humataw para sa koponan ng bughaw at puti na sina Therese at Pauline Gaston.