Advertisers

Advertisers

Hindi tanggap

0 704

Advertisers

MUKHANG hindi tanggap ng maraming Filipino ang programa ng gobyerno na magbigay ng libreng bakuna kontra Covid-19. Hindi payag ang marami kung ang ibibigay na libreng bakuna ay galing sa China. May plano si Vaccine czar Carlito Galvez na bumili ng 50 milyon doses ng bakuna mula sa Sinovac, ang kumpanyang parmasyutiko na China.

Sa dami ng bibilhing doses, monopolyo na ng China ang programa. Hindi matanggap ng maraming Pinoy na magiging monopolyo ng China ang negosyo sa bakuna gayung napabalita na dinala ng mga turistang Intsik ang Wuhan virus sa bansa noong Enero. Mahirap lunukin para sa isang Filipino ang ganyan.

May mga kundisyon ang mga Pinoy upang pumayag sa libreng bakuna ng gobyerno. Mayroong nakakagulat; marami ang nakakatawa. May mga netizen na nagsabing papayag lamang sila na magpabakuna kung mauuna si Rodrigo Duterte kasunod ang kanyang mga alipores na si Bong Go, Harry Roque, Sal Panelo, Jose Calida, Tito Sotto, Dick Gordon, at iba pang karakter na labis nilang kinasusuklaman.



Hindi kami magpapabakuna habang hindi nagpapabakuna sa harap ng publiko ang mga Duterte – Rodrigo, Sara, Polong, Baste, at Honeylet, ayon sa isang netizen. Kailangan isapubliko ang kanilang bakuna. Kailangan patunayan nila sa publiko na totoong gawa ng Sinovac ang bakuna na ituturok sa kanila. Hindi iyong gawa ng AstraNeca, Pfizer, o Moderna na kunwari ay Sinovac.

Umugong ang masamang balita tungkol sa bakuna ng Sinovac. May ulat na itinigil ang clinical test sa Brazil dahil may namatay sa bakuna. Hindi ito inaamin ng Sinovac. May mga balita na hindi ito angkop sa kalusugan. May balita na nababaog ang sinuman na maturukan. Hindi ito pinapansin ng China.

Ang pagtanggi ng publiko sa bakuna ng China ang malaking balakid sa programa ng libreng bakuna ng gobyerno. Mas gugustuhin ng mga tumatanggi ang bumili ng sariling bakuna na hindi gawa at galing sa China. Wala silang tiwala sa China, isang bansa sa kinilala sa mga huwad na kalakal at lumalabag sa mga bansa sa copyright at patente.

Paano kaya ito masosolusyunan ni Galvez? Bilang isang sundalo, hindi bahagi ng kanyang professional training ang himukin ang publiko sa isang bagay na tinatanggihan. Isang malaking bangungot ang kanilang programa sa libreng bakuna.

***



BIGLANG sinapawan sina Bong Go at Sara Duterte ni Manny Pacquiao nang manumpa ang huli bilang pangulo ng PDP-Laban, ang naghaharing lapiang pulitikal ng bansa. Isa itong maniobra na biglang ginawa ng mga lider ng PDP-Laban tulad ni Koko Pimentel, ang kasamang senador na pinalitan ni Manny. Mukhang naisahan sina Bong Go at Sara na kumakatawan sa Davao Group, isang malaking paksyon ng PDP-Laban.

Hindi natin alam kung ano ang gagawin ng Davao Group. Hindi natin alam kung gagawin na isang lapian ang Hugpong na unang pumalaot noong 2019 at ipanalo ang 11 sa 15 kandidato para senador. Parehong talo ang magkapatid na JV Ejercito at Jinggoy Estrada.

Ngayon, mukhang sasabak si Manny sa 2022. May mga ulat na nagdarasal siya ng taimtim upang gabayan sa kanyang plano na pumalaot sa 2022. Ngayon, marami ang hindi natutuwa sapagkat hindi naman kinakitaan ng kakaibang gilas at sigla ang kanyang pagiging mambabatas. Mas maraming absent kesa present si Manny sa Senado.

Hindi nagpapaliwanag si Manny tungkol sa mga plano sa PDP-Laban. Hindi pa nagpapaliwanag si Manny kung ano ang gagawin upang manatili sa poder pagsapit ng 2022. Mukhang maraming takdang gawain si Manny sa darating na halalan.

***

ISANG kaibigan ang nagpadala sa akin ng PM na gusto ng China na si Sara ang pumalit kay Rodrigo. Gagawin ng China ang lahat upang manatili ang mga Duterte sa poder sapagkat hawak nila ang mga Duterte, aniya. Ganito ang pag-uusap namin:

KAIBIGAN: I just talked yesterday to a Huawei acct manager… and based on my question – that he is very sure, from a confidential source that Sara Duterte will be the next president in 2022. I think they will the troll army from now until then.

AKO: The Americans have a different story to tell. Between a Chinese and an American, I tend to believe the latter… The former has a troll army… The latter has some other things… Remember 1986, when the Americans openly meddled…

KAIBIGAN: Iyon pa isang sagot niya – mas di kampante sila kay Biden. Di nila alam ano pwede niyang gawin.

Iyon ang problema ng China. Hindi sila sigurado kay Joe Biden. Para sa kanila, mas madali ang relasyon nila kay Donald Trump kasi pabigla-bigla, padalos-dalos, at mabunganga lang siya. Mas nag-iisip si Joe Biden. Suportada siya ng makinarya ng Partido Democrata. Hindi katulad ni Trump na hinati ang Republican Party.

***

NAPANAGINIPAN ko ang isang dating kaibigan. Narito ang post ko: “Woke up this morning a little sad. I dreamed of a friend, who died of Covid-19 exactly on my birthday – April 3. Because he was a rabid supporter of GMA, I avoided him like plague. The last time I talked to him was in 2001, or nearly 20 years ago. I did not have a chance to visit his wake. I did not know if he had one. He could have been cremated. But I would not care a bit. In my dream, we were conversing in a car, of which he was the driver. We lost our way going to a government office. But our conversation was quite animated just like the old days. I don’t exactly know why and how I dreamed of him. I could only utter a little prayer for the repose of his soul.”

***

QUOTE UNQUOTE: “Fidel Castro even while in office prohibited the naming of parks, institutions, monuments, and any marker to honor him to avoid the development of a cult of personality around him. In deference to his will, Cuban President Raul Castro maintains this policy even after the death of the revered Cuban revolutionary leader who did not need any honor bestowed on him in public places, including heroes’ cemeteries, as his memories will forever be etched in the minds and hearts of the Cuban people who sincerely loved, admired and respected him.” – Sahid Sinsuat Glang, netizen

“The reason the PDP-LABAN enjoyed much success was due to the brains of its original creators: Nene Pimentel gave birth to the Partidong Demokratiko ng Pilipinas in the early 80s and Senator Ninoy Aquino who established LABAN while he was incarcerated by Marcos in the 70s. The PDP and LABAN were fused together to become PDP-LABAN the party of Corazon Aquino when she accepted the challenge of running against Marcos in the November 1985 Snap Elections. To encompass more Pinoys against Marcos, the United opposition chose Doy Laurel to be the VP of Corazon Aquino so that Doy’s UNIDO, another party with great organizations in the Tagalog area and South Luzon can come under the umbrella of PDP Laban.

Yesterday, when Koko Pimentel surrendered the leadership of PDP LABAN to Manny Pacquiao – DO YOU THINK THIS PDP LABAN NOW EVEN STANDS FOR AN IOTA OF WHAT NENE PIMENTEL & NINOY AQUINO STOOD FOR IN NATIONA-LISM, DEMOCRACY AND FREEDOM?” – Ding Velasco, netizen