Advertisers

Advertisers

BATANGAS, SAAN KA PATUTUNGO?

0 658

Advertisers

MATINDI ang pagsusumamo ng mga residente ng Tanauan City dahil sa talamak na bentahan ng shabu sa halos lahat na barangay ng nasabing siyudad na ang pasimuno ay ang mga kilalalang gambling operator na alyado sa pulitika ni City Mayor Angeline “Sweet” Halili.

Lalo namang lumakas ang loob ng mga drug/ gambling operator na nagpapatakbo ng bentahan ng shabu at Small Town Lottery cum jueteng dahil sa pinataas na weekly tong o intelhencia ng nagpapakilalang kolektor PNP..

Panawagan naman ng nagpapakilalang Juan ng Tanauan City, na aksyunan nina PNP Director General Debold Sinas at PNP Chief for Operation at COVID Shield Task Force Commander, LtGen. Guillermo Eleazar ang isang Sir Miguel na kumokolekta ng proteksyon money sa mga drug/jueteng operator sa naturang lungsod.



Dati ay Php10,000 weekly lamang ang lagay o intelhencia ng mga ilegalista sa mga barangay at poblacion ng Tanauan City para sa tanggapan ng PNP, ngunit pinataas ang tara sa halagang Php 30,000 kada isang linggo ng tinatawag nilang Sir Miguel para malayang makapag-operate ang mga Tanauan City gambling maintainer ng STL bookies o jueteng.

“Ibig sabihin po nito ay tatlong doble ang itinaas ng para sa opisina PNP Batangas na personal na kinokolekta ni Sir Miguel at ng mga armadong nitong alalay.

Pakilala ni Sir Miguel ay organic member o pulis ito na nakatalaga sa Batangas Provincial Office at wala itong pakialam kung magbenta pa kayo ng shabu basta kumpletong Php 30,000 ang sa amin”, ang text message pa sa SIKRETA ni Juan ng Tanauan City.

Sa kanyang pananakot sa mga ilegalista ay inihalimbawa nito ang sindikatong Tisoy/Idol, Flores gun for hire and kidnap Group na dati ay naghahatag lamang sa PNP ng Php 150,000 weekly para protektado ang mga saklaan sa Brgy. Quilo-Quilo South, rebisahan ng Stl bookies/ jueteng sa Brgy. Banaba, Sambat at Poblacion na mismong pinatatakbo ng isang alias Kap Tisoy at alias Kap Idol.

Ngunit matapos na maluklok ang bagong PNP Regional director ay itinaas na ang lingguhang intelhencia sa Padre Garcia sa halagang Php 300,000 para maging ang operasyon ng buriki, paihi, patulo at pasingaw sa mga Brgy. Bawi at Brgy. San Felipe ay di na mapahinto.



Kasama rin sa “timbrehan” ay ang malayang pagpapatakbo ng sindikato bentahan ng droga partikular ay shabu sa nasabing bayan at iba pang mga munisipalidad sa 4th district ng lalawigan at maging sa Lipa City,

Maging pasugalang “saklang patay at saklang buhay” na pinatatakbo rin ng Tisoy/Idol Flores gun for hire and KFR ay “timbrado” na din kay Sir Miguel sa bisa ng pinataas na protection raket.

Ang pa-jueteng ng isang alias Bidung sa Brgy. San Marcelino sa bayan ng Taysan ay pinatimbre na din ni Sir Miguel sa halagang Php 30,000 mula sa dating areglong Php 10,000 weekly.

Sa Lipa City, ang may 25 na drug/gamblinmg lord na ang tumatayong engkargado ay si alias Ka Carling at Maliwanag ng Brgy. Bulacnin ay pinataas na din ni Sir Miguel ang lingguhang “hatag”.

Sa Tanauan City ang mga drug/gambling maintainers na kinukotahan ni Sir Miguel ay sina alias Mayor Benir, Konsehal Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa,Madam Bagsik ng Brgy. Janopol, Ms. Anabel ng Pantay na Matanda, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho ng Brgy. 7 at Putuhan, Lito ng Brgy. 7 at Putuhan at Konsehal Perez ng Poblacion, Ocampo ng Brgy. Bagbag, Emil, Ramil, Aldrin , Terio, Angke at Lilian ng Brgy. Sambat, Lawin at Dona ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Tano at Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango.

Kaya kung totoo ang pinaggagagawang ito ni Sir Miguel, asahan natin na lalo pang magiging garapalan ang bentahan ng shabu at jueteng operation sa Tanauan City. Kaya panaghoy ni Juan,”saan patutungo ang mahal naming syudad”.

Lumilitaw na balewala nga ang direktibang “No take Policy” ni PNP Region 4-A Director, PBG Felipe Natividad kay Tanauan City Police Chief, LtCol. Victor Sobrepeña.

Samantala sa munisipalidad ng Malvar, kontrolado nina alias Banog at Rico ang bentahan ng shabu at operasyon ng STL bookies/jueteng sa may 15 barangay ng nasabing munisipalidad.

Sa bayan ng San Juan, ang drug pusher na nagpapatakbo din ng STL cum jueteng ay si alias Kap Nelson, sa munisipalidad ng Nasugbu ay si Willy Bokbok, sa mga bayan ng Mataas na Kahoy at San Jose ay si alias Kap Virtucio o Vice Virtucio, Ibaan ay si Roceo at sa Batangas City ay ang magkasosyong si alias Kap Bening at alias Mayor Benir.

Malamang nito ay deklarado na din ang pagpapataas ng hataw ng opisina ng Batangas PNP Provincial Office sa “lahat na butas” ng ilegalista sa buong Probinsya ng Batangas, kung pagbabasehan ay ang ipinagbabanduhan ni Sir Miguel sa mga drug/ gambling operator sa lalawigan ng Batangas.

Hindi na nga pala dapat magpatumpik-tumpik pa sa kanilang pag-aksyon sina PNP- PDG Sinas at LtGen. Eleazar. Mga Sir, action please. Kailangang agad na masibak sa kanilang mga pwesto ang sinumang utak ng protection raket na ito.

****

Para sa komento: Cp # 09293453199, email: sianing52@gmail.