Advertisers

Advertisers

Jumper sa Bgy. 04 ng Pasay naglipana!

0 300

Advertisers

Mga taga-Meralco, panawagan ito sa inyo: Dito sa Barangay 04 ng Pasay City ay naglipana ang illegal connections sa kuryente o mga jumper. Sa mismong poste ng Meralco lahat sila nakakabit. Iisang tao lang ang nagkakabit sa kanila. Marami rito ang naka-aircondition ang bahay lalo mga bahay ng mga opisyal ng barangay na hindi naman legal ang pinagkukunan ng kuryente. Suyurin nyo ang lahat ng kalsada mula Lim-an hanggang Cuyegkeng pati Rodriguez Street, marami kayong mahuhuli.
Madalas magkaroon ng biglaang pag-apoy ng mga kawad at poste dito pero walang dumarating na taga-Meralco upang mag-inspeksyon. Marami kaming nababahala na baka pagsimulan ito ng sunog.
Sana masuri nyong mabuti ang mga poste at mahinto nyo ang mga illegal na koneksyon at ang mga nanamantala sa inyong power supply.
Umaasa kami na maaaksyunan nyo ito sa lalong madaling panahon. – Concerned citizen

Papuri sa mga opisyal ng Marikina City: Wala nang basura sa lungsod
TEXT BRIGADE: NAGPAPASALAMAT ANG TAGA-PALAY ST, BARANGAY TUMANA, MARIKINA CITY SA AGARANG AKSYON NG FIRE BRIGADE AT MGA BARANGAY PEACE AND ORDER NG CONCEPTION 1 AT SA BUTIHING MAYOR AT CONGRESWOMAN MADAM STELA QUIMBO NG DISTRICT 2, MARIKINA. MAALIWALAS NANG TINGNAN ANG MGA KALYE NGAYON. PROBLEMA NITO MGA NAKA-PARKING NG ONE- SIDE NA SARI-SARING SASAKYAN. KAYA DAPAT DIN UMAKSYON ANG OPSS MARIKINA. SALAMAT MAYOR MARCY, ALKALDE NG MARIKINA CITY. AT NAGPAPASALAMAT DIN ANG INYONG MATA NG LANSANGAN SA MGA IBA’T IBANG ORGANISASYON NG NAGBIGAY TULONG SA MGA TAGA BRGY. TUMANA. MABUHAY PO KAYO!!! MAM SIR. – (MATA NG LANSANGAN)