Advertisers
ANG walang habas na pag-iisyu ng prangkisa ng Philippine Charity Sweepstakes Office Sponsored-Small town Lottery (STL) sa ibat-ibang bahagi ng bansa ang lalong nagpapalala sa operasyon ng iligal na jueteng at kalakalan ng droga sa buong kapuluan lalo na sa Luzon at Kabisayaan.
Maituturing na walang habas at wala rin pinipili ang pagbibigay ng STL franchise pagkat karamihan sa nabigyan ni PCSO Chairman Royina Garma ng permit para mag-operate ng STL ay mga lokal na illegal gambling operator.
Ayon sa ating PCSO insider, hindi nagkaroon ng masusing back ground check ang mga franchise applicant, kaya maraming nakalusot at nagka-prangkisa ay mga lokal na jueteng operator.
Ilan ding delinquent operator tulad ng mga hindi nagbabayad ng angkop na share para sa gobyerno ang na-renew ang mga prangkisa.
Ngunit higit na nakararami pa na walang namang prangkisa ang nakikisabay sa pag-ooperate ng jueteng gamit na front ang approved franchise ng mga naisyuhan ng PCSO, kayat nagdoble o higit pa ang bilang ng nagpapatakbo ngayon ng jueteng, karamihan pa ay mga lokal at barangay officials.
Nangunguna ang rehiyon ng Katagalugan o CALABARZON sa dami ng operator ng iligal na STL cum jueteng.
Ang mga ito ay ang lalawigan ng Batangas lalo na sa mga bayan ng Padre Garcia, Taysan, San Juan, San Jose, Nasugbu, Malvar, Bauan, San Pascual, Mabini, Mataas na Kahoy, Talisay, Balete, San Nicolas, Laurel, Sto Tomas, at mga Syudad ng Lipa. Tanauan at Batangas.
Ang grabe pa nito, sangkot sa bentahan ng shabu ang mga operator ng STL cum jueteng tulad na lamang ng Tisoy/Idol, Flores gun for hire and kidnap for ransom group ng bayan ng Padre Garcia at isang alias Bedung ng bayan ng Taysan. Protektado naman si alias Bedung ng isang Sir Miguel. Sangkaterba naman ang nagpapatakbo ng droga at STL bookies sa Lipa City sa pangunguna ni alias Ka Carling at Maliwanag ng Brgy. Bulacnin.
Kayanin pa kaya nina Senador Christoper Lawrence “Bong” Go at PCSO Chairwoman Royina Garma na pigilin ang tila kanser na operasyon ng droga at iligal na pa-jueteng sa bansa?
Samantala, nangako ang ex- PNP Col. Garma na wala silang paliligtasin. Parurusahan, papatawan ng multa at kung kailangan ay kakanselahin ng PCSO ang mga STL franchise holder.
Kaya naman para sa kaalaman nina Senador Go at PCSO Chairman Garma, ang mga drug at STL cum jueteng na pinatatakbo sa Laguna ay ang inooperate nina alias ex-pulis Ebora, alias Sgt. Barretto at Osel sa Los, Baños, Sta Rosa at Calauan, alias Arwina sa Palo Alto, Ka Nato, at Dave ng Calamba City, alias Tita na nagpapa-bookies din Calamba City, Cabuyao, Pacita at sa buong San Pedro City , alias Alvarez sa Brgy. Bunggo, Calamba City, alias Denden sa bayan ng Calauan, alias Jayson ng Sta Maria, alias Danny ng Liliw, alias Orlan ng Aluminus, Melody, Erwin at Pido ng Golden City, Sta Rosa City. Samantala ang F5 ng Candelaria, Quezon ay dumayo at siyang naghahari sa pagpapatakbo ng droga at sugal sa Cabuyao City. Ang iba pang jueteng operator na kilala din supplier ng shabu sa nasabing lalawigan ay sina alias Edwin, Tose at alias Sgt. Barretto na kumikilos din sa San Pablo City, San Pedro, Sta Rosa at Cabuyao, alias Sgt Karatehan at alias Ossel sa Los Baños, Sta Rosa at Calauan, alias Mayor Edwin ng Bay at Los Baños at alias Onad ng Pagsanjan at Sta Cruz.
Sa Coastal Road, Paliparan, Dasmariñas City, Cavite nagpapa-bookies o jueteng din si Alex. Samantala sa Iloilo City ay ang operator ng STL cum jueteng ay ang car dealer na isang alias Areza.
Huwag na sanang ipangalandakan pa ng bagong PNP Region 4-A director PBG Felipe Natividad ang kanyang “No take Policy” pagkat balewala ang direktiba nyang ito sa kanyang provincial directors, at mga hepe ng kapulisan sa mga lalawigan ng Batangas, Laguna, Cavite. Rizal at Quezon.
Di lang natin malaman kung totoo ang ulat na talagang makapal ang mukha ng PNP Regional director sa Probinsya ng Iloilo, para suwagin sina PNPO Director General Debold Sinas?
Tingnan lang natin kung di rin pakikinggan ng RD, PD at ng kapulisan sa mga nabanggit na rehiyon, lalawigan. siyudad at bayan sina Chairman Garma at Senador Go?
***
Para sa komento: Cp # 09293453199, email: sianing52@gmail.