Advertisers

Advertisers

3 ektarya ng sakahang lupa ay napakalaking gantimpala

0 238

Advertisers

Alam niyo bang ang ating Department of Agrarian Reform (DAR) ay naghahandog na ngayon ng tatlong ektarya ng sakahang lupa sa mga magsisipagtapos na estudyante ng kursong pang-agrikultura.

Biruin niyo yan, napakalaking gantimpala yan para sa mga makakapagtapos ng kursong pang-agrikultura o sakahan. Malaking regalo yan sa mga graduates natin.

Sa alok na ito na ipinamalita ni DAR Secretary John Castriciones noong nakaraang Biyernes (Nov. 28, 2020) ang tatlong ektaryang lupaing pangsakahan ay mainam na panimula para sa ating mga graduates ng agricultural courses.



Magagamit nila agad ang kanilang mga napag-aralan sa mga lupaing ito, di gaya ng kanilang nakagisnan na inuupahan lamang ang lupaing sinasaka ng kani-kanilang mga magulang sa mga kanayunan.

Ang aanihin sa lupang bigay ng DAR ay aariin nilang tunay, walang kahati, walang ibabayad na upa na mababawas pa sa kabuuang halaga ng inani.

Bukod dito, malaking bagay ito upang isakatuparan ang kanilang propesyong napili, at magsimula sa tunay nilang pag-aari, ang lupang isasaka.

Sabi nga ng ating kalihim, si Sec. Castriciones ay kumpiyansa silang sisinupin ng mga nagsipagtapos sa pag-aaral ang ganitong pagbabahagi ng lupang sasakahin. Maari pa aniya nila itong gawing “farm laboratory” na paggagamitan ng kanilang mga teoriya nagamit sa kanilang pag-aaral at maging halimbawa para sa iba.

“Ang insentibo para sa magtatapos sa kursong agrikultura ay maaring maging unang hakbang para makamtan ng bansa ang seguridad sa pagkain,” paliwanag pa ng ating kalihim.



Unang-una sa makikinabang nito ay ang ating mga mag-aaral na ang mga kanilang magulang ay nakikisaka lamang upang sila ay patuloy na mapag-aral.

Sa ganitong gantimpala ay makakawala sila sa matagal ng tanikalang nakatali sa kanilang mga magulang, mabuhay lamang at mapag-aral ang kanilang mga anak.

Mainam na gantimpala nga ito para sa ating mga nagsipag-tapos ng kursong agrikultura. Saan ka pa makakahanap ng ganitong insentibo? Walang ganito ang ibang kurso.