Advertisers
SANOFI PASTEUR ang manufacturer ng DENGVAXIA VACCINES na daan-daang mga batang mag-aaral ang binakunahan na humantong sa mala-tortyur na kamatayang inaasistehan ng PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE ang mga biktima sa pagsasampa ng mga kaso.., subalit pinaparalisa naman nina SENATOR FRANKLIN DRILON at SENATOR SONNY ANGARA ang ahensiya dahil kliyente ng mga ito ang manufacturer ng kontrobersiyal na bakunang inilunsad ng gobyerno sa pamamagitan ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) sa ilalim ng liderato noon ni dating HEALTH SECRETARY at ngayo’y 1st DISTRICT ILOILO REPRESENTATIVE JANETTE GARIN.
Ito ang naihayag kamakailan ni dating BILIRAN REPRESENTATIVE GLEN CHIONG bilang reaksiyon sa ginawang “insertion” ng 2 SENATOR sa special provision ng GENERAL APPROPRIATIONS BILL na nagsasaad ng “Nothing in the appropriation provided in this act shall be used for salaries or compensation of personnel, travel allowance, meetings and maintenance and other operating expenses of the PAO Forensic Laboratory Division”.
Sina CHIONG at ATTY. LARRY GADON ay kapuwa nagpahayag na ang ginawa ng 2 SENATOR ay benggansa laban sa PAO dahil ang DENGVAXIA MANUFACTURER na SANOFI PASTEUR ay kliyente ng ACCRA LAW OFFICE na SENIOR COUNSEL dito si DRILON at si ANGARA naman ay bahagi sa naturang law firm.
Si PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na lamang ang makapagpapabago o makapagpapatanggal sa isiningit na probisyong pagpapabuwag sa FORENSIC LABORATORY DIVISION ng PAO sa pamamagitan ng VETO.., o kung hindi man ay sa SUPREME COURT dudulog ang PAO.
Bunsod nito ay nananawagan si PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA kay PRES. DUTERTE na i-veto ang ginawang insertion dahil unconstitutional ito at isang uri umano ito ng pang-aabuso sa kapangyarihan nina DRILON at ANGARA laban sa pangangailangan ng mga mahihirap na mamamayan.
“What more will the 13 million people seeking help from PAO can get when the very people that would aide them so the cases they will file will stand in court have been rendered jobless. Mr. President please veto the said insertion,” panawagan ni ACOSTA.
“Abuso sa kapangyarihan at unconstitutional ang ginagawa ng dalawang senador na yan dahil lamang sa kalaban ng kliyente nila (ACCRA) ang mga tinutulungan naming mahihirap,” pahayag naman ni PAO FORENSIC CHIEF DR. ERWIN ERFE.
Kapag magtagumpay ang ginawang insertion ng 2 SENATOR ay malamang na magiging mahina ang mga ebidensiyang maihaharap ng PAO sa mga court hearing at sigurado hindi maipapanalo ng PAO ang kanilang mga argumento at ang lubhang maaapektuhan ay ang mahihirap na mamamayang naghahangad ng hustisya sa silid ng hukuman.
Ang siste, partikular sa inihaing demanda ng mga magulang na namatayan ng mga anak dahil sa kawalang-ingat sa inilunsad na DENGVAXIA VACCINATION noong 2016 ay hihina ang mga ebidensiya kapag nabuwag ang PAO FORENSIC LABORATORY DIVISION .., presto mapapawalang sala ang kliyente nina DRILON at ANGARA.
Mas marami ang madidismaya kapag mangyari ito at ang higit na masisira ay ang imahe ni PRES. DUTERTE dahil noong kumakandidato pa lamang ito ay lagi niyang ibinabandera ang maasistehan ang mga mahihirap na mamamayan at ngayon, dahil lamang sa kasong kinakaharap ng DENGVAXIA IMPLEMENTORS ay paparalisahin na ang PAO FORENSIC na nagbibigay asiste sa mga naghahanap ng hustisya mula sa hanay ng mahihirap na sektor.., ABA E NASAAN NA ANG HUSTISYA?
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.