Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KUNG financial status ang pag-uusapan sa mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, hindi maitatangging stable na sila pareho.
Anytime eh puwede na silang mag-build ng sarili nilang pamilya.
Pero hindi pa nga raw tina-try ng couple na makabuo ng kanilang unang love child.
Puwede naman lalo na’t legal na silang mag-asawa.
Inamin din ni Matteo na priority nito ngayon ang kanyang wife lalo nagsisimula na sila na bumuo ng pamilya.
Kaya tanong ng netizens eh bakit ayaw pa raw nila subukan magkaroon ng anak.
Sinabi ni Matteo eh ini-enjoy pa nito ang bonding nila ng misis na magkasama sa iisang bubong na wala pa silang tsikiting.
In God’s time na kapag ipinagkaloob na nga raw ni Lord ay darating ang kanilang unang supling.
***
MARAMI namang nag-enjoy na netizens sa online talk show ni Angelica Panganiban.
Guests nito ang mga Mommies na sina Mylene Dizon, Cherry Pie Picache at Agot Isidro.
May kanya-kanyang opinyon ang tatlong mahuhusay na aktres kung paanong hindi iiwan ng dyowa.
Natawa ang netizens kay Cherry Pie dahil sa mga naughty na sagot nito.
May isang nagtanong na netizen kung hindi ba nila naranasan ang humabol.
Sabat ni Angelica, “nakakapagod na maghabol sa mga manlolokong ex-bf sa pelikula sa tunay na buhay pa kaya.”
Gulat ang netizen sa sagot ni Angelica na sa pelikula lang pala siya naghahabol sa mga manlolokong bf at ‘di sa real life.
Alam na this, Derek Ramsay, John Lloyd Cruz at Carlo Aquino, ayaw na maghabol ni Angelica ng mga ex dahil sa pelikula pa lang ay pagod na raw siya. Well, well, well…’Yun na!