Advertisers

Advertisers

6,400 manggagawa sa Mactan Economic Zone, hinagupit ng mga kapitalista

0 400

Advertisers

MANGGAGAWA ang isa sa mga nadagukan nang husto sa pagpasok ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19) at ng sunud-sunod na bagyo sa ating bansa ngayong panahon.

Matindi ang dagok sa uring manggagawa ang epekto ng COVID – 19 dahil milyun-milyon sa kanila ang nawalan ng trabaho, samakatuwid nawalan ng sahod.

Ang nakatanggap ng matinding epekto ng COVID – 19 ay ang mga manggagawang kontraktuwal, o hindi regular, ang trabaho.



Tapos, habang nagsisimula pa lamang silang maghanap ng trabaho (para sa mga natanggal sa kumpanya) at pumasok (doon naman sa nanatiling mayroong trabaho), substansiyal na bilang sa mga manggagawa ang nawasak ang mga bahay dahil sa hagupit ng mga bagyo mula Oktubre hanggang Nobyembre.

Ngunit, kung titingnang mabuti ay higit na masahol ang ginawa ng maraming kapitalista sa mga manggagawa.

Ihalimbawa natin ang ibinalita ng Partido Manggagawa (PM) na 6,400 manggagawang nawalan ng trabaho nang tanggalin sila ng kani-kanilang amo.

Umabot na sa 6,400 ang tinanggal lahat sa Mactan Economic Zone!

Pokaragat na ‘yan!



Sa 6,400, ang pinakabagong nawalan ng trabaho ay ang 300 manggagawa sa First Glory Apparel, ayon sa PM.

Pagkalugi at COVID – 19 ang inirason ng First Glory sa “biglaang” pagtanggal sa 300 “regular” na mga manggagawa.

Regular tinanggal sa First Glory?!

Hindi naniniwala ang mga manggagawa sa nasabing mga dahilan ng mga namamahala at nagmamay-ari ng First Glory.

Sabi ng isa sa mga nawalan ng trabaho na si Cristito Pangan na: “First Glory is just using covid – 19 and the bankruptcy of its main client as alibi to replace regular workers with contract employees”.

Tiniyak ni Pangan na tumaas ang bilang ng kanilang produksiyon dahil pinagtatrabaho pa sila kahit sa mga araw na “holiday” at Linggo.

Kung bakit pinagtatrabaho sila kahit holiday at Linggo ay dahil regular na ulit ang operasyon ng pangunahing kliyente ng First Glory sa Estados Unidos ng Amerika, banggit ni Pangan.

Sabi pa ni Pangan, “nakaalpas” na ang kliyente ng First Glory mula sa pagkalugi.

Huwag nating kalimutan na ang Amerika ay nanguna sa mga bansang hinagupit ng COVID – 19, ngunit mayroon nang mga kapitalistang kumilos at nakawala sa pagkalugi tulad ng kliyente ng First Glory.

Kaya, pinagtrabaho na ng pamunuan ng First Glory ang kanilang mga manggagawa.

Iginiit ito ni Pangan upang patunayang kasinungalinan ang pahayag ng First Glory.

Maliban sa 300 manggagawa ng First Glory Apparel, naunang nagtanggal ng 4,000 manggagawa ang Sports City group of companies, 2,000 ang sinibak ng Yuenthai at 100 mula sa FCO.

Sobra naman ang hagupit ng mga kapitalista sa mga manggagawa.

Kalunus-lunos na nga ang kanilang kalagayan, tinanggalan pa ng trabaho.

Kung tutuusin, hindi mataas ang sahod ng mga manggagawa sa Mactan, tulad ng mga manggagawa sa ibang maunlad at angat ang ekonomiya dahil ang buwanang sahod nila ay nakatali sa pagiging lalawigan ng Mactan.

Mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ang mayroong pinakamataas na sahod kada buwan.

Ngunit, sa reyalidad ay napakanipis ng halaga ng sahod na ito dahil hindi kaya nitong makabili ng lahat ng pangangailangan ng pamilya ng bawat pamilya ng manggagawa.

Ito’y dahil mababa ang “purchasing power” ng sahod ng mga manggagawa.

Tapos, tinanggalan pa ng trabaho ng mga kapitalista.

Pokaragat na ‘yan!

Ganito ang paliwanag ng tagapagsalita ng PM – Cebu na si Dennis Derige na: “The hemorrhage of jobs at the Mactan ecozone continues despite rosy reports from the government that the economy is recovering. Workers are facing the double whammy of job losses and high prices without letup even with Christmas [is] just on the horizon and the COVID – 19 vaccine [is] nearing [the] distribution stage”.

Sa ganitong masamang kalagayan ng mga manggagawa, idiniin ni Derige ang paninindigan ng PM na: “Without labor rights and civil liberties, workers will [further] suffer under the despotism of capitalists [deliberate] intent on maximizing profits by [consistently] squeezing their employees”.

Iginiit din ng lider – manggagawa na ang mataas na sahod, makabuluhang mga benepisyo, maikling oras – paggawa at ligtas na lugar na pinapasukan, o pinagtatrabahuan ng mga manggagawa ay “inseparable” mula sa kanilang laban at pakikibaka tungo sa malayang lipunan.

“This is the cry of workers today in the Mactan ecozone”, susog ni Derige.

Batay sa rekord ng pinakamalawak na alyansa ng mga organisasyon at unyon ng mga manggagawa sa Pilipinas ngayon na NAGKAISA Labor Coalition, ang dinaranas ng mga manggagawang regular sa Mactan ay nagaganap din sa maraming panig ng bans amula tuktok ng ulo ng Luzon hanggang talampakan ng Mindanao.