Advertisers
NGAYONG Miyerkules (December 2), samahan si Pia Arcangel na kumustahin si ‘Yorme’ Isko Moreno sa “Tunay na Buhay.”
Lumaki si Yorme sa hirap kaya hindi na nakapagtataka na malapit sa puso niya ang mga maralita at nangangailangan. Mula nang pasukin niya ang pulitika noong 1998 hanggang mahalal siya bilang alkalde noong 2019, nakilala siya sa mga kakaiba at agarang paghahanap ng solusyon sa mga matagal nang problema ng kanyang lungsod.
Ngayong panahon ng pandemya at sunud-sunod na kalamidad, ano kaya ang mga balak niya para kahit paano’y maging ‘merry’ pa rin ang Pasko para sa kanyang bayan at lalo na sa kanyang pamilya?
Panuorin ang ‘Tunay na Buhay’, 10:30 PM, pagkatapos ng “State of the Nation” sa GMA News TV. (BKC)