Advertisers

Advertisers

Senador Go, inalipusta ng sindikato!

0 791

Advertisers

HINDI kailanman mangangalisag ang balahibo ng inyong lingkod sa harap ng mga banta sa buhay na natatanggap. Gayunman, maaaring mapalampas natin ang mga pagbabantang ito, ngunit ang di natin kayang palampasin ay ang pang-aalipusta at kawalang galang ng grupong kriminal kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

Ilang mga tawag sa cellular phone ang natanggap ng inyong lingkod kahapon ng umaga mula sa nagpakilalang alias Kap Tisoy na galit na galit, nagbabanta itong ipapapatay ang inyong lingkod sa kanyang mga galamay. Bukod sa bantang pagpapatay ay hinamak pa at minaliit pa nito ang pinaka-pinagkakatiwaang opisyal ni Pangulong Rodrigo at ito nga ay si Senador Go.

Alam natin na reaksyon ito ng sindikatong kriminal na tinalakay natin kaugnay sa panawagan kay Senador Go na aksyunan ang Tisoy/Idol, Flores gun for hire and kidnap for ransom group sa bayan ng Padre Garcia at iba pang grupong kriminal sa lalawigan ng Batangas.



Si alias Kap Tisoy ang isa sa lider ng nabanggit na grupong kriminal na bukod sa pagpapatay ng tao gamit ang mga bayarang killer mula sa Nueva Ecija at Quezon Provinces, ay nagtutulak din ng shabu sa Padre Grcia at ibat-ibang lugar sa 4th district ng lalawigan na kinabibilangan ng mga bayan ng San Juan, Rosario, San Jose, Taysan, Ibaan at Padre Garcia kung saan ang mga ito nagkukuta.

Kasosyo ni alias Kap Tisoy ang isang alias Kap Idol ay nag-ooperate din ng Small town lottery bookies o jueteng sa 18 barangay ng bayan ng Padre Garcia at karatig na mga bayan. Ang salaping nalilikom sa iligal na pasugal ay siyang ginagamit na puhunan ng sindikato sa pag-angkat ng baril at shabu mula sa Cavite at Metro-Manila.

Target naman ng likidasyon ng Tisoy/Idol Flores crime group ang mga kalaban sa pulitika ng kanilang “dilawang” boss na ex-mayor sa Batangas gamit ang kanilang bayarang killer. Dinudukot at ipinatutubos ng mga milyonaryo na pawang di na nangahas magsumbong sa mga awtoridad.

Dahil sa di makayang supilin ng pulisya sa ilalim ng bagong PNP Region 4-A director, PBG Felipe Natividad at Batangas Provincial director, Col. Arvin Rex Natividad, Provincial Governor Hermilando Mandanas at mga alkalde at iba pang opisyales ng pamahalaan ay napilitan nang humingi ng tulong ang mga mamamayan ng 4th district kay Senador Go.

Kabilang din sa kumondena sa salot na grupong Tisoy/Idol crime group ay ang relihiyosong sektor na nanawagan din kay Senador Go upang wakasan din ang salot na operasyon ng drug/gambling lords sa Lipa City, Tanauan City, Batangas City mga bayan ng Malvar, Nasugbu, San Jose, San Juan, Ibaan at iba pa.



Sa nakaraan nating pitak dito rin sa Police Files Tonite ay binigyang puwang natin ang kalatas ng isang barangay kagawad na nagpakilalang Juan ng Batangas, 4th district. Nanawagan din ito kay Senador Go na kasuhan ang mga pinunong lokal na hinihinalang may koneksyon sa sindikato.

“Kung wala pong STL bookies o jueteng sa Padre Garcia, Lipa City, at Tanauan City, at mga bayan sa Batangas ay hindi rin po lalago ang kalakalan ng shabu. Ang pondo mula sa jueteng ang ginagamit na puhunan ng mga drug pusher sa pag-angkat ng droga sa malalaking supplier ng shabu sa Cavite at Metro-Manila at pinagkukunan ng lingguhang intelhencia sa ilang scalawag police at government officials.

Hindi lamang po mga alkalde, pati mga hepe ng kapulisan at mga barangay kapitan kung saan talamak ang operasyon ng STL bookies/ jueteng ay pakasuhan din,” ani Kag. Juan.

Nito ngang umaga ng Disyembre 1, 2020, matapos na mapost sa ating Face book page at malathala sa PFT ang ating kolum na may pamagat na “GO, AKSYUNAN ANG SINDIKATO” ay ilang tawag sa cellular phone ang agad nating natanggap, pawang nanakot at nagbabantang ipapatay ang inyong lingkod.

“Kahit tawagan pa nyo ang inyong Senador Gago di kami takot diyan, balewala sa amin yan, di naman siya ang magtatrabaho kundi ang mga pulis na nasa weekly payola din namin, magpamaril na tayo” ang paghahambog pang sigaw ng nakausap natin sa telepono na nagpakilala ngang alias Kap Tisoy.

Ang sagot po natin sa nagpakilalang alias Kap Tisoy ay ganito: na naman, ipapapatay na naman, ang tagal naman nyan, siguraduhin nyo lang, alam ko na sangkaterba ang inyong walang lisensyang mga baril”.

Markado ang inyong lingkod na ipapatay dahil sa pagbubunyag natin noon pa man ng mga kawalanghiyaan at krimen na pinaggagagawa ng grupo nina alias Kap Tisoy at Kap Idol kaugnay sa gun for hire at kidnapping, at pagpapatakbo ng mga ito ng kalakalan ng shabu at jueteng sa 18 barangay ng bayan ng Padre Garcia at kanugnog na mga bayan at iba pang labag sa batas na pinagkikitaan.

Ngunit hindi naman naaksyunan ng ilang mga hepe ng kapulisan ng Padre Garcia at maging ng PNP provincial at regional directors pagkat nasupalpalan ng lingguhang milyones na intelhencia ng nasabing grupong kriminal ang mga awtoridad.

Hindi na sana natin tatalakayin ang hinggil sa banta na namang pagpapatay sa inyong lingkod gamit na killer ang mga upahang tirador mula sa Nueva Ecija at Quezon Provinces, ngunit ang lapastanganin at kutyain ang ating idol na Senador Go, ay di natin palalampasin.

Para sa kaalaman ni Senador Go, bukod sa lider ng mga killer for hire sangkot din si alias Kap Tisoy at alias Kap Idol sa pagpapadukot at pagpapatubos ng milyong halaga ng salapi ng mga negosyanteng karamihan ay mga Tsino at politikong takot na magsumbong sa mga awtoridad.

Liban sa Tisoy/Idol syndicate, isang pulis na alias Agharan ang nagpaparebisa naman ng taya sa jueteng sa Brgy. Maugat West, isang Rocafort naman ang nag-ooperate sa Brgy. Sambat at Banaba ng nabanggit ding bayan.

Sa Tanauan City ang mga drug/gambling maintainers ay sina alias Mayor Benir, Konsehal Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa, Madam Bagsik ng Brgy. Janopol, Ms. Anabel ng Pantay na Matanda, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho ng Brgy. 7 at Putuhan, Lito ng Brgy. 7 at Putuhan at Konsehal Perez ng Poblacion, Ocampo ng Brgy. Bagbag, Emil, Ramil, Aldrin, Terio, Angke at Lilian ng Brgy. Sambat, Lawin at Dona ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Tano at Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy.Ulango.

Hayag naman sa Lipa City ang mga pangalan nina Ka Carling ng Bulacnin, Kap Randy, Brgy. Sulok, Ex-Kap Fonti- Brgy Granja at Poblacion, Kap Gonzales- Brgy. San Benito, alias Kap Boyet ng San Lucas, Kap Lacorte- Brgy. Sto Toribio at Saint Michael; Kap August- Brgy. 8. Poblacion; alias Kap Sara ng Sampaguita, alias Ruben Sabedra- Brgy. Balintawak; Lorenz- Brgy. Poblacion 4 at Bulaclacan; Neneng Dista- Brgy Uno; Vilma Tomboy-Calle Pogi, Brgy 3, Amapola Subdivision, C.M Recto Ave., at bus stop; Liza at Linda-sa Brgy. Balintawak at Poblacion; Hadjie at Aiza- Brgy. San Jose o San Jose Patay, Ex-pulis Yema- Brgy. Pangao.

Sina alias Kap Wanita at Kap. Fernan, naman ang operator ng STL bookies/ jueteng at droga sa South at North District ng Lipa City na kumakatawan sa 34 na barangay ng Lipa City.

Sa munisipalidad ng Malvar ay kontrolado nina alias Banog at Rico ang bentahan ng shabu at operasyon ng STL bookies/Jueteng sa may 15 barangay ng nasabing munisipalidad.

Sa bayan ng San Juan, ang drug pusher na nagpapatakbo rin ng STL cum jueteng ay si alias Kap Nelson, sa munisipalidad ng Nasugbu ay si Willy Bokbok, sa bayan ng Taysan ay si alias Bedu, sa mga bayan ng Mataas na Kahoy at San Jose ay si alias Kap Virtucio o Vice Virtucio, Ibaan ay si Roceo at sa Batangas City ay ang magkasosyong sina alias Kap Bening at alias Mayor Benir.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199, email: sianing52@gmail.