Advertisers

Advertisers

Padyak boy kritikal sa away sa utang

0 292

Advertisers

KRITIKAL ang isang tricycle driver nang pagtulungang bugbugin at saksakin ng kapitbahay nang magtalo hinggil sa utang na ‘di nabayaran ng biktima Linggo ng gabi sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang bikrima na si Gerry de Guzman, ng 1508 Masangkay St. Tondo, Maynila.
Samantala, nakatakas naman ang mga salarin na sina alyas Jojo at Annie Gonzales, ng 1478 Bambang St Tondo.
Sa report, 10:00 ng gabi nang maganap ang pananaksak.
Nauna dito, nagtalo umano si Gonzales at de Guzman dahil sini-singil nito ang biktima sa kinuhang cellphone na hindi nabayaran.
Sa ulat, pinalo ni Gonzales ng baseball bat ang biktima at sabay sugod si Jojo na may hawak ng patalim at sinaksak ang biktima sa likod.
Inihahanda na ang kaso laban sa mga salarin. (Jonah Mallari