Advertisers

Advertisers

Mister kinatay ng biyenan

0 225

Advertisers

KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng isang mister nang pagtatagain ng kanyang biyenan nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa gitna ng inuman sa Purok-7, Barangay Buenavista, Legazpi City, Linggo ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Ernesto Alegre Acuña Jr., residente ng Tabaco City.
Sumuko naman kay Kapitana Ester Ardales ang salarin na si Noe Lolos Oseo, 55, residente ng nasabing lugar.
Sa ulat, 8:00 ng gabi nakita pang nag-iinuman ang magbiyenan at nang kapwa malasing ay naungkat ang matagal nilang alitan kaya parehong umalis sa inuman ang dalawa.
Nang bumalik ay may dala nang kutsilyo ang biktima habang itak naman sa biyenan.
Nang magpang-abot ay agad na pinagtataga ng biyenan ang manugang na agaran nitong ikinasawi.