Advertisers
Ni JOVI LLOZA
IBINIDA ni Karla Estrada na sakaling magretiro na sa pag-aartista ang anak niyang si Daniel Padilla sa edad na 35 ay maayos na ang future nito.
Tsika pa ni Queen Mother ay marami na umanong ipon si Daniel na kahit magkaapo pa ay ganun na anya ka-rich ang anak. Nakaipon na raw ang aktor sa kanyang mga kita mula sa kanyang pag-aartista at pag- eendorso kaya kahit ‘di na ito mag-work ay buhay na si Daniel.
Sa katunayan ay ipinaubaya na nga ni Karla ang pagma-manage kay Daniel ng sarili nitong pera.
Para raw alam nito kung need nito na maglabas ng kaperahan o hindi.
Tingin naman ni Karla na responsable ang kanyang anak na si Daniel kung pagma-manage ng sarili nitong pera ang kanyang iha-handle.
Well, well, well…’Yun na!