Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
MAGING ang actor/producer ng Anak ng Macho Dancer na si Joed Serrano ay naging biktima pala ng rape noong nagsisimula pa lang sa showbiz.
Sa set ng shooting ng nasabing movie na idinirek ni Joel Lamangan ay game na nakipagtsikahan din si Joed sa ilang entertainment press.
May nagulat at mayroon din naman nakakaalam na may pusong babae si Joed. Pero ang gumulat sa lahat ay nang ikuwento ni Joed na “ginalaw” siya ng baklang movie reporter.
Nangyari ang insidente sa Roper Studio habang inaayusan siya ng baklang movie reporter.
“Inaayusan ako pero wala naman damit na inaayos dahil naka-brief lang ako para sa pictorial. Doon niya ako ginalaw pero tila nabitin ang baklang reporter, dinala niya ako sa motel at doon na ako first time na ginamit sa likuran (anal sex),” kuwento ni Joed.
Sixteen year old siya nang unang magalaw. Pero kung nalaman daw ng kanyang mama ang nangyari sa kanya noon ay masasabi na ni-rape siya ng nasabing reporter.
Sa tanong kung kailan siya nag-out (aminin na siya ay may pusong babae).
“Nang ipanganak ako ay naka-high heels na ako, pero itinago ko dahil ako ang bread winner sa aming pamilya,” pag-amin ni Joed.
Nag-open na siya sa show ni Sharon Cuneta abroad. Doon daw niya nasabi sa sarili na wala na siyang pakialam na aminin na siya ay isang gay.
Ngayon ay masaya na siya dahil wala siyang dapat itago sa kanyang tunay na kasarian.