Advertisers

Advertisers

Security escort/helper patay nang pumalag sa holdap

0 189

Advertisers

PATAY ang isang security escort nang pagbabarilin ito ng holdaper sa Pikit, Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Jamsel Lapaz Gatabon alyas “Pansit”, 35, may asawa, helper ng RMJ Agri Supply, ng Barangay Fort, Pikit, North Cotabato.
Ayon sa hepe ng Pikit PNP, Captain Mautin Pangandigan, papauwi na ang biktima kasama ang kanyang amo nang tambangan sila ng armadong grupo.
Tinangka ng mga holdaper na agawin ang malaking halaga ng pera na dala ng amo ng security guard, ngunit nanlaban ang huli kaya pinagbabaril ito ng kalibre.45 pistola.
Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktima, habang nakatakbo ang kanyang amo.
Binawian ng buhay si Gatabon sa isang pagamutan sa Kidapawan City.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Pikit-Municipal Police Station (MPS) sa krimen.