Advertisers

Advertisers

Pasig City Mayor Vico nilinaw: “Sa business establishments lang required ang QR code”

0 223

Advertisers

IGINIIT ni Pasig City Mayor Vico Sotto na hindi kailangan ng QR code upang makapasok sa Lungsod ng Pasig matapos kumalat sa social media ang mga fake news tungkol dito.
Paliwanag ni Mayor Sotto, ang QR code ay kailangan lamang kung papasok sa mga business establishment, tulad ng mall, restaurant, at banko. Kasama narin dito ang mga tanggapan ng gobyerno tulad ng Pasig City Hall.
Nilinaw din ng batang alkalde na walang kaukulang multa sa walang QR code, pero hindi sila makakapasok sa kahit anong establisyimento ng lungsod.
Sa ngayon, nasa 452,662 indibiduwal na ang mayroong PasigPass o QR code at nasa 1,157 establisyimento ng lungsod ang mayroon nito.
Hinikayat din ng alkalde ang publiko na magkaroon ng PasigPass o mag-download ng QR code upang mapabilis ang pagpasok sa mga etablisyimento, pagsagawa ng contact tracing, at pagkalap ng datos kaugnay sa COVID-19 cases. (Gaynor Bonilla)