Advertisers

Advertisers

Lola, 2 menor dumayo sa probinsiya para magtulak, huli sa buy bust!

0 197

Advertisers

ARESTADO ang 64-anyos na lola at dalawang kasama nito na kapwa menor de edad sa buy-bust operation sa Barangay Malapit,San Isidro, Nueva Ecija.
Kinilala ang nadakip na si Baolinang Pithailan alyas “Nanay”, 64, ng Brgy. Manggahan, Commonwealth Market, Quezon City; at ang mga kasama nito na sina alyas Nognog at Bogart ng Caloocan City.
Sa report ni Police Major Joel dela Cruz, nakumpiska sa mga suspek ang 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P500,000.00
Ayon sa ulat, dumayo pa ang mga suspek para magbenta ng shabu sa lalawigan ng Nueva Ecija mula sa Metro Manila.
Kakaharapin ng tatlo ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act .(Thony D. Arcenal)