Advertisers

Advertisers

LATE REPORTING BINIRA NG QC-CESU!

Halos 100 kaso ng covid sa Kamara iniimbestigahan

0 290

Advertisers

SINITA ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang House of Representatives sa late reporting nito sa kanilang COVID cases na maaring naging dahilan ng biglang paglobo ng kaso na mahigit na sa 40.
Ayon kay QC-CESU Director Dr. Rolly Cruz, nasa 40 ang confirmed cases na kanilang naitala sa Mababang Kapulungan. Subalit kanilang bineberipika ang report na nasa 96 ang kabuuang bilang ng positive cases rito sa nakalipas na 10 araw. Kung ganito, aniya, ay maraming kaso ang hindi naire-report sa kanila at hindi agad nagagawan ng contact tracing.
Ipinaliwanag ni Cruz na kahit pa asymptomatic ang pasyente basta nakumpirma itong positive sa test ay dapat ipagbigay alam agad sa kinauukulan.
Nang hingan ng reaksyon sa lapses ng Kamara, sinabi ni House Secretary-General Dong Mendoza na nakipag-ugnayan na sila sa QC-CESU. Tumanggi rin siyang kumpirmahin na tumaas ang kaso ng COVID cases sa Kamara bagama’t magsasagawa na, aniya, ngayon ng mass testing sa mga mambabatas, kawani at maging sa mga bumibisita sa tanggapan.
“We already spoke with the QC govt with regards to this matter we will release the results to DOH and CESU once the lab results are available already,” paliwanag ni Mendoza.
Hindi tinukoy ni Mendoza kung Rapid Test o Swab test ang kanilang gagawin. Subalit para sa mga kawani ay mainam na Swab test ang isagawa upang mas konkreto ang maging resulta.
Una nang inalarma ng QC-CESU ang Kamara matapos itong makatanggap ng mahigit 40 kaso ng COVID, na ang inilagay kungsaan nila nakuha ang virus ay sa lugar na pinagtatrabahuhan sa Mababang Kapulungan. Nabatid na ang tinamaan ng COVID ay pawang naninirahan lamang sa mga kalapit na barangay sa Batasan Complex.
Sinabi ni Cruz na pagbabatayan nila ang COVID cases report na isusumite ng Kamara sa kanilang gagawing imbestigasyon. Pangunahin na rito kung bakit nagkaroon ng hawahan at kung may pagtaas ng kaso na maaaring pumasok sa kategorya ng outbreak na maaaring maging dahilan para pansamantalang ipasara ang tanggapan.
Ukol naman sa posibleng paglabag ng Kamara, sinabi ng QC-CESU na ang kanilang gagawing imbestigasyon ay isusumite nila sa Department of Health (DoH).
Samantala, kinastigo ni dating Ang Nars Partylist Rep. Leah Paquiz ang House Leaders na sina House Speaker Lord Allan Velasco, Deputy Speaker at 1Pacman Partylist Rep Mikee Romero at Mendoza na lumabag sa quarantine protocol nang patuloy parin itong pumapasok sa Kamara sa kabila ng kanilang exposure sa COVID positive na si TESDA Chair Isidro Lapeña.
Sinabi ni Romero na nagnegatibo sila sa test matapos na ma-expose kay Lapeña ngunit hindi naman ito sumailalim sa 14-day quarantine dahil nakita itong dumadalo sa mga hearing at courtesy call sa Kamara.
Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan ang quarantine sa mga may direct exposure sa COVID patient kahit paman nagnegatibo sa test dahil ang virus ay maaaring mag-develop sa pagitan ng dalawa hanggang 14 araw pagkatapos ng exposure.
“Dapat po sumunod sa protocol. Respect the authority, paano susunod mamamayan kung hindi sumusunod mga leaders , dapat maging role model sila,” pagkastigo pa ni Paquiz.